Simula noong Sui Dynasty (581AD-618AD), nahirang sa pamamagitan ng eksaminasyong imperyal ang mga intelektwal na Tsino na mga opisyal. Lalo pang nadedebelop ang sistemang ito ng eksaminasyon noong Tang Dynasty kung kailan nakapasok ang mga talento sa imperial court sa pamamagitan ng pagkatha ng mga magagandang tula. Iyong mga nakapasa sa eksaminasyon ang makakukuha ng titulong Jinshi samantalang iyong nanguna naman sa kanila ay gagawaran ng titulong Zhuangyuan.
Sa lahat ng mga selebrasyong idinaos sa karangalan ng Zhuangyuan, ihahandog ng emperador ang isang pistang imperyal para sa lahat ng mga Jinshi sa kahabaan ng Qujiang River sa Chang'an na noo'y kabisera ng bansa at kasalukuyang Xi'an ng Shanxi Province.
Maglalakbay sa ilog ang mga Jinshi sakay sa mga bapor samantalang mag-eenjoy naman ang emperador at kanyang mga kalunya ng isang bird's eye view ng lunsod sa isang tore sa tabi ng ilog. Makikilahok din dito ang mga mataas na opisyal at miyembro ng pamilyang royal.
Sasamantalahin ng ilan sa kanila ang pagkakataong ito upang mapili sa mga Jinshi ang isang ideal na asawa para sa kanilang mga anak na babae. Ganoon kaakit-akit ng okasyong ito na libu-libong tao ang manood sa mga tanyag na ito sa kabisera.
Gayunman, umabot ang pagdiriwang sa kasukdulan nang makilahok ang mga Jinshi sakay sa kani-kanilang kabayo sa isang larong tinawag na Tanhua o paghahanap ng bulaklak. Pipiliin ang pinakabatang Jinshi para hanapin ang lahat ng mga sariwang nasa panahong bulaklak sa buong lunsod. At iyong mga nabigo sa misyong ito ay dapat uminom ng alak bilang kaparusahan.
Kung minsan, naidagdag din ang musika sa kombinasyon ng alak at bulaklak. Pero napakapihikan ng mga sinaunang Tsino sa isyung ito, sinabi nilang hindi lahat ng mga bulaklak ang bagay sa musika. Iyong mga bulaklak na tulad ng chinese jasmine na purong halimuyak at elegante ang itsura, ay nakakalikha lamang ng harmonya sa pagitan ng bulaklak at musika.
Siyembre, mayroon pang ibang tao na may ibang palagay sa kung papaano ma-eenjoy ang bulaklak. Minsa'y sinabi ni Yuan Hongdao ng Ming Dynasty na tsaa ang pinakabagay sa bulaklak. Kung walang tsaa, okey lamang ang banal na pag-uusap. Ang pagpapakasawa sa alak anya ay pinakamasagwang asal ng isang intelektwal. Kung walang tsaa o banal na pag-uusap, kahit na ang pag-upo nang walang ginagawa ay mas mabuti kaysa sa pag-inom ng alak.
Noong panahon ng Northern Song Dynasty, ang peony ay ang pinakapopular na bulaklak sa Luoyang ng Henan Province. Magdaraos ang mehistrato ng sampung libong bulaklak na pestibal taun-taon. Sa panahong iyon, buong lunsod ang may palamuting mga bulaklak at magkakasunod-sunod na isinilbi ang mga maringal na bangkete.
Noong huling dako ng Northern Song, ang Chinese herbaceous peony, shaoyao, ay itinuring na kasinghalaga ng peony sa Yangzhou na Jiangsu Province. Ginaya ng mahistrato ng Yangzhou ang kanyang counterpart sa Luoyang at nag-introduce ng 10000-bulaklak na pestibal. Kahit na naging bantog ang lunsod dahil sa pestibal na ito, labis na nahirapan ang mga tao sa mabigat na buwis na ipinataw sa kanila ng gobyernong lokal para sa pagdaraos ng gayong uri ng pestibal. Nawala na ang ganitong aktibidad nang manungkulan bilang mahistrato ng Yangzhou noong 1092 si Su Shi, isang kilalang iskolar at makata.
|