• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-08 14:56:06    
Makulay na kultura ng Xitang

CRI
Habang nagdudumali tungo sa pagiging makabago, ang mga lumang bayan ng Shanghai ay mabilis ding naglalaho sa pagsulpot ng mga bagong skyscraper. Ikinatutuwa ng mga Shanghaynes ang pagbuti ng pamantayan ng kanilang pamumuhay, ngunit kasabay naman nito, ikinalulungkot nila ang pamamaalam sa Longtang--isang di-makakalimutang bahagi ng kanilang kamusmusan.

Ang matandang bayan ng Xitang sa Lalawigan ng Zhejiang ay isang perpektong lugar para muling makapiling ang Longtang.

Ang Xitang na isang matandang bayang napapaligiran ng tubig ay mayroon nang 100 taong kasaysayan. Ito ay nasa lugar kung saan nagtatagpo ang hanggang ng Shanghai at mga Lalawigan ng Zhejiang at Jiangsu. Napabantog ito noong Spring and Autumn Period (770- 476 BC) at Warring States Period (475- 221 BC).

Pagkaraang makapaghukay ng mga ilog sa bayan para sa irigasyong agrikultural ang isang opisyal ng Estado ng Wu na nagngangalang Wu Zixu, sumagana ang Xitang at umabot sa kasukdulan ang kasaganaan nito noong mga Dinastiyang Ming at Qing. Tagalang kakaiba sa ibang matulaing pook ang arkitekturang napangalagaang mabuti sa panahon ng mga Dinastiyang Ming at Qing.

Sa paggagalugad sa mga lansangan ng bayan, madarama ng mga dumadalaw doon na parang naglalakad-lakad sila sa isang higanteng larawang ginuhit sa tintang Tsino. Maaaninag sa tubig ang nagtatayugang putting pader sa magkabilang pampang at ang mga nakahilig na bahay. May mga pulang lamparang nakasabit sa mga bubungan ng mga bahay at ang umuusbong na puno ng willow ay marahang umiindayog sa simoy ng hangin. Ang lahat ng ito'y nagdaragdag ng kulay at lakas sa matandang bayang ito.

May 7 ilog na dumadaloy doon na siyang naghahati sa bayan sa 8 bahagi. Ang bawat bahagi ng bayan ay pinag-uugnay ng 104 tulay na yari sa kahoy o bato na may iba't ibang hugis at estilo. Kung sisipatin ang ayos ng bayan mula sa itaas, makikita ang imaheng parang isang agilang nakadapo sa mga ilog.

Ang mga bahay na nakahanay sa tabi ng mga kalye at ilog ay umaabot hanggang sa kadulu-duluhan ng bayan. May makikipot na daang nagpapaikot-ikot sa pagitan ng mga grupu-grupong gusali-- Longtang ang tawag dito ng mga tagaroon.

Sa Xitang ay may 122 longtang. Ang pinakakilalang Longtang ay ang Shipi Lane sa West Street. Pinangalanan ng gayon dahil sa kanipisan ng mga batong nakalatag doon. Ang lane na ito ay may 68 metro ang haba at isang metro lamang ang lapad. Sa paglalakad sa parang ahas na daang ito, kapat tumingala ka, maliit na bahagi lamang ng langit ang makikita mo sa itaas.

Isa pang katangian ng Xitang ang mga pasilyong may bubungan. Karamihan sa mga lansangan sa Xitang ay may bubong. Kaya hindi nag-aalala ang mga mangangalakal at pasahero sa ulat at araw. May mga bangko sa mga pasilyo sa tabing ilog kung saan maaring magpahinga ang mga tao. Ang pamamasyal doon ng mga tao ay hindi naman nakakagambala sa normal na pamumuhay ng mga naninirahan sa Xitang. Makikita mo rito na may mga kababaihang naglalaba sa ilog, naghahabulang mga bata sa makikipot na daan, tumitilaok na mga tandang at tumatahol na mga aso sa mga di-kilalang tao.

Napabantog ang Xitang hindi lamang dahil sa katahimikan at likas na kagandahan nito, kundi dahil din sa mayamang tradisyong pangkultura nito.

Sa nakaraan ang Xitang ay minsang naging sentro ng paggawa ng alak. Hanggang ngayo'y mababakas pa rin ng mga manlalakbay ang tradinsyong ito.

Sa Tanghalan ng Alak na yari sa dilaw na bigas ay may nakatanghal na iba't ibang kagamitan sa paggawa ng alak. Ipinakikita rito sa mga panauhin ang proseso ng paggawa ng alak. Matataas ang kalidad ng mga alak na nakatanghal dito.

Ang pagsakay sa bangka tungo sa Huguo Grain Official Temple ay makatutulong sa mga turista para lalong maunawaan ang kultura ng Xitang. Sinasabing isang opisyal dam na may apelyidong Jin noong huling dako ng Dinastiyang Ming, ang inatasang maghatid ng pagkaing-butil para sa emperador. Pag daan niya sa bayan, napansin niyang maraming magsasakang nangangamatay sa gutom dahil sa malubhang tagtuyot. Sa gayo'y nilabag niya ang batas at ipinamigay ang inihahatid niyang pagkaing-butil, pagkatapos ay nagpakamatay siya. Bilang ganti sa kanyang kabutihang-loob, isang templo ang itinayo ng mga taumbayan para sa kanyang ala-ala.