• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-11 17:50:24    
Alamat hinggil sa Laoshan

CRI
Ang Bundok ng Laoshan, isa sa mga magandang bundok ng Tsina ay nakatayo mga 30 kilometro sa gawing silangan ng isang baybaying lunsod ng Qingdao sa Lalawigan ng Shandong sa silangang Tsina. Hindi ito kasingtaas ng iba pang kilalang bundok sa Tsina na 1,200 metro lamang, ngunit hindi naman pangkaraniwan ang kapaligiran nito. Kung ihahambing sa pinakakilalang bundok na gaya ng ipinakilala namin sa inyo noong Taishan at Huangshan. Sa katunayan, mula pa noong unang panahon, ang Laoshan ay nakilala sa kahigtan ng kariktan nito sa Taishan sa ilang aspekto. Ang Laoshan ay minsang itinuring na tahanan ng imortal.

Makararating ka sa paanan ng Laoshan sa sasakyang sumusunod sa kahabaan ng pambansang lansangang tumataas at bumababa; umiikot ang lumiliku-liko: sa isang dako ay ang malawak na luntiang dagat at sa kabilang dako naman ay mistulang gubat ng nagtataasang bundok. Napalilibutan ito ng mga puting ulap na kung tingnan sa malayo, ang mabatong mga tuktok ng bundok ay mistulang lumalagos sa langit.

May nag-iisang batong nakatirik sa dagat na may anyong tulad ng isang matandang lalaki. Tinawag itong "Matandang lalaking bato". Ayon sa alamat, may isang matandang mangingisdang nakatira sa katimugan. Nagkautang siya nang malaki sa isang malupit na pinuno sa lokalidad. Nang yumao ang kanyang asawa, lumisan siya sa kanyang tahanan kasama ang kanyang anak na lalaki't babae. Nagpalaboy-laboy sila hanggang sa manirahan sa lugar na malapit sa Laoshan. Ngunit, maging sa lugar na iyon, ay hindi matatagpuan ang katahimikan. Pinagnasaan ng may-ari ng isang tindahan nang siya at ang kanyang anak na lalaki ay nagtatrabaho sa labas, dinukot ng isang pangkat ng salarin ang kanyang anak na babae. Nang marnig ng matandang lalaki ang pagtili ng kanyang anak, sumugod siya pabalik sa kanyang bahay, ngunit huli na. Nagmamadali siyang tumakbo sa tabing dagat para lamang makita niyang papalayo na ang bapor. Tumalon ang matanda sa dagat. Biglang nabago ang panahon. Naglakihan ang mga alon. Tumaob ang bapor at ang lahat ng taong sakay ng bapor na ito ay nalunod. Dahil sa pagkabigla, nakatayo na lamang ang matanda nang walang tinag, parang isang bato. Nang bumalik ang kanyang anak na lalaki at nakita ang kanyang tatay na nakatayo sa dagat, naglayag siya pa tungo sa kanyang ama at tumawag, ngunit walang sagot. Nang papalapit siya, natuklasan niyang hindi ito ang kanyang ama, kundi isang malaking bato. Umuwi siya sa kanyang bahay, ngunit wala siyang nakita ni isang tao. Paglipas ng mga araw, nagkaasawa na at nagkaanak ang anak na lalaking ito. Unti-unti sa palipas ng panahon, isang nayon, ang Nayon ng Matandang Lalaking Bato, ang nabuo.

Ang dalisdis ng Laoshan ay natatakpan ng malagong berdeng punong kahoy at kawayan at may iilang gusali ang nalilimliman doon. Isa sa mga ito na dapat puntahan ay ang Taiqinggong, ang pinakamalaking templong Toista sa Bundok ng Laoshan.

Ang templong ito ay unang naitayo noon ika-10 siglo at itinayong muli noong katapusan ng ika-16 na siglo. Nakatalikod sa bundok at nakaharap sa dagat hanggang sa abot-tanaw ang templo ng Taiqinggong na binubuo ng mahigit 100 maliliit na gusali. Mahusay ang desenyo ng arkitektura nito at magandang maganda kung tingnan. Sa harap ng pangunahing bulwagan ng templo ay may dalawang puno ng azalea, isang may pulang bulaklak na parang nagliliyab na apoy at isang may mala-niyebeng puting bulaklak sa panahon ng pamumukadkad. Lumalago pa rin hanggang ngayon ang mga sinaunang punong kahoy na gaya ng cypress, gingko at elm. Ang elm ay may mahigit 1000 taong gulang na itinanim noon sa Dinastiyang Tang. Ang katawan nito ay 4 na metro ang diyametro at nakapilipit na parang isang dragon. Naroon ang isang pinakakilalang bukal sa Laoshan na may tubig na malinaw at matamis. Hindi ito kailaman natutuyo kahit sa pinakamalubhang tag-tuyot.