• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-18 19:05:28    
Bundok ng Wutai

CRI
May apat na kilalang "Buddhist Shrines" sa Tsina: ang Ermei Mountain sa Sichuan Province, ang Jiuhua Mountain sa Anhui Province, ang Putuo Mountain sa Zhejiang Province at ang Wutai Mountain sa Shanxi Province.

Ang Wutai, na gaya ng ipinakikita ng pangalan nito sa Wikang Tsino, ay binubuo ng limang taluktok na parang entablado. Tinatawag na silangan, kanluran, timog, hilaga at gitnang plataporma, ang mga ito ay mataas nang mga 2500 metro sa lebel ng dagat. Akala mo mga daliri na nakaturo sa langit, ang limang taluktok ay naka-pabilog, na siyang namang humahati sa mga bundok sa Outer at Inner Wutai. Sa sentro ng Inner Wutai ay may isang maliit na lunas--ang pinakapusod ng bundok na ito.

Presko at kasiya-siya ang klima sa bundok na ito kung saan dumarating sa Abril ang tagsibol at nagsisimulang mag-snow sa Agosto. Ang tinatawag na "Ten-Thousand Year Ice Bound Slope" sa pagitan ng hilaga at timog na plataporma ay natataluktukan ng niyebe sa buong taon. Kung tag-init, ang lambak ay kahali-halina sa mga ligaw na bulaklak at lumalagaslas ang mga sapa sa paliguy-ligoy na pakikipag-usap sa hanging amihan. Ang mga bundok mismo ay mayaman sa bakal, tanso, asupre at mika. Natutuklasan din dito ang mga manganese, tingga, phosphorous at ginto. Gayunman, ang karbon ay ang talagang pinakamasaganang likas na yaman. Sa kaotohanan, ang Wutai ay isa sa 8 sentro ng mga minahan ng karbon ng Shanxi Province.

Sa dakong gitna ng Wutai, sa mga templo, ay nakatindig ang isang malaking putting "dagoba". Nakatuntong sa isang kahanga-hangang base, ang dagoba na pitumpung metro ang taas ay natataluktukan ng isang bilog na pinggang yari sa tanso at dito ay may nakapatong na vase na yari sa tanso na limang metro ang taas. Ang malalaki at maliliit na kampana ay nakabitin sa gilid ng Dagoba Temple ay ang Dafu Temple of Divine Vulture na isang libo siyam na raang taong gulang na. Sa loob ng mahabang kasaysayan ng templong ito, nakakaranas ito ng renobasyon at rekonstruksyon kaya ang istruktura ngayon ay pangunahing mula sa arkitektura ng Dinastiyang Ming at Qing. Ang mga gusali ay inilalagay sa perpektong "symmetry"; may apat na raang bulwagan at bahay ang sumasaklaw sa 8 hektarya sa kabuuan.

Ang Bronze Hall na mahigit sa 3 metro ang taas ay ang pinakakaakit-akit na bulwagan dito. Ang mga tisa, dingding, at bintana--ang buong bahay ay iminomolde sa bronse. Ang mga bulaklak at pigurang alsado na yari sa bronse ay nakadekorasyon sa mga pinto at bintana. Libong iskultura ng maliliit na Buddha ang makahilera sa pinto. Ang napakagandang arkitektura at pagkakagawa sa bulwagang ito ay tumatayong monumento ng kahusayan ng mga "craftsmem" ng sinaunang Tsina.