• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-25 10:30:35    
Disyembre ika-18 hanggang ika-24

CRI

Nagkaloob kahapon19 ang Disaster Relief Fund Advisory Committee ng HongKong ng dalawang batch na may kabuuang halagang 2.5 milyong HongKong dolyares na abuloy sa mga pilipinong biktima ng bagyo. Ang nasabing dalawang batch na pondo ay ibinagay sa Association of Chinese Evangelical Ministry Limited at World Vision International ng HongKong. Hiniling din ng nasabing komisyon sa dalawang organisasyon na pagkaraang maisakatuparan ang paghahatid-saklolo, magharap sila ng ulat at accounting para maigarantiya ang tumpak na paghawak sa abuloy na ito.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay To Huy Rua, kagawad ng kalihiman ng Partido Komunista ng Biyetnam, ipinahayag kahapon20 dito sa Beijing ni pirmihang kagawad Li Changchun ng pulituburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Biyetnam para komprehensibong isagawa at isakatuparan ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang Partido at bansa para maging mabuting kapitbansa, partner at kaibigan magpakailanman ang dalawang Partido at bansa at mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Li na nakahanda rin ang Partido ng Tsina na patuloy na pahigpitin ang pakikipagpalitan ng karanasan sa Partido ng Biyetnam sa larangan ng konstruksyon ng teorya, propaganda, kaisipan at kultura para payamanin ang nilalaman ng kooperasyon ng dalawang Partido. Sinabi ni To Huy Rua na aktibong magsisikap ang Biyetnam para komprehensibong isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at Partido at hinggil sa pagpapalalim ang pagkakaibigan at relasyong komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa.

Opisyal na binuksan kahapon17 sa labas ang Museo bilang paggunita sa pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar na nasa Wanting Economic Development Zone ng Ruili, isang lunsod sa hanggahan ng Tsina at Myanmar. Ang border port ng Wanting ay mapayapang daanan ng pangkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar.

Napag-alaman kahapon18 ng mamamahayag mula sa Bank of China na binili kamakailan ng bangkong ito ang lahat ng mga inisyung stock ownership ng Singapore Aircraft Leasing Enterprise sa halagang 965 milyong dolyares. Pagkatapos ng buy-out, magpapadala ang nasabing bangko ng direktor sa board ng kompanyang ito. Isinalaysay ng tagapagsalita ng Bank of China na ang pagbili ng Singapore Aircraft Leasing Enterprise ay magkakaloob ng isang matibay na plataporma para sa pagpasok ng kanyang bangko sa larangan ng aircraft leasing.

Sa Nanning, kapital ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina. Idinaos dito kahapon19 ang ika-2 porum hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at timog silangang Asya. Halos 200 iskolar at eksperto mula sa Beijing University, Xiamen University at iba pa ang lumahok dito. Sa 3-araw na porum na may temang "pagpapalitan, kooperasyon at win-win situation ng Tsina at timog silangang Asya" tatalakayin ng mga iskolar at eksperto ang mga isyu hinggil sa "kasaysayan at kalagayan ng mga bansa sa timog silangang Asya", "konstruksyon ng Sino-Asean free trade zone" at iba pa.

Idinaos mula noong ika-20 hanggang ika-22 ng buwang ito sa Anyuan ng Lalawigang Jiangxi ng Tsina ang porum ng pamantayan sa kalidad ng kahel at kalakalang pandaigdig ng Tsina at Asean. Mahigit 160 opisyal ng pamahalaan, dalubhasa mula sa industrya ng prutas at kinatawan ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina, Timog Korea at 5 bansang Asean na gaya ng Pilipinas, Thailand at Biyetnam ang lumahok para talakayin ang prospek ng pag-unlad ng kahel. Sa porum na ito, nagsagawa ang mga kalahok ng espesyal na talakayan hinggil sa kalalukuyang kalagayan at kinabukasan ng pag-unlad ng industrya ng kahel, karanasan ng Thailand sa pagpapasulong sa pagluluwas ng prutas at prospek ng kalakalan ng prutas ng Tsina at Thailand at iba pa.