• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-25 10:31:59    
Yuyuan Garden ng Shanghai

CRI

Ang Yuyuan Bazaar, sa labas ng tarangkahan ng Yuyuan Garde ay ang kasalukuyang bersyon ng "town God's temple market" na lumaganap noong ika-19 na siglo. Sa mga araw ng Temple fair, ang mga magtitingi, mga nagpapanggap na may alam na trabaho, mga manghuhula, mga naglilibot na entertainers, at iba't ibang artisans ay nagtipon-tipon dito para kumita. Pero noong bandang huli, maraming matatatag na empresa ang itinayo na tulad ng mga "tea-house", "wineshops" at "gorcery stores". Madalas na puntahan ang lugar na ito ng mga gangsters at magnanakaw, samantalang panangis ng halos dito na nakatirang pulubi ay nagngingibabaw sa sigaw ng mga maglalako at ng biyaherong entertainers.

Ngayon, isang kaakit-akit na "shopping bazaar" ang umookupa sa lugar na ito, na nag-aalay ng iba't ibang kalakal ng mahigit sa isang daang tindahan. Natatamo dito ang mga espesyal na produkto na galing sa apat na sulok ng bansa na tulad ng kilalang kutsilyo at gunting ng Hangzhou city, porselana ng Jiangxi Province at "clay figurines" ng Wuxi city, pati ang hamon ng Jinhua, "pressed salted duxk" ng Nanjing at "sausage" ng Guangdong. Isang tindahan ng panyo ay nag-aalay ng mahigit sa 400 magkakaibang disenyo. Ang "chopsticks shop" ay nagsusuplay ng 80 uri ng "chopsticks" na yari sa ivory, kawayan, kahoy at ibang mga materyal. Available din ang mga baston na yari sa iba't ibang uri ng kahoy at iba't ibang pattern ng disenyo.

Isang kawili-wiling paliku-likong tulay na may 9 na ikot ang bumabagtas sa ibabaw ng lawa sa sentro ng Bazaar. Ang tulay na ito ay nagbibigay-daan sa isang "pavillion tea-house" na tipikong istruktura ng Tsina na may bintanang pula ang balangkas at bubungang asul ang tisa, na ang lahat ay nalalarawan sa lawa. Habang nag-eenjoy ka ng isang tasang tsaa na isinisilbi sa pabilyon, nakukuha mo ang "bird's eye view" ng Yuyuan garden.

Ang Yuyuan garden at kalapit nitong bazaar ay nakakaakit sa mahigit isang daang libong bisita mula sa loob at labas ng bansa sa higit na nakararaming araw ng taon.