Ang Nayon ng Sanxingdui (Three-Star Mounds) ay pitong kilometro ang layo mula sa gawing kanluran ng Lunsod ng Guanghan sa lalawigan ng Sichuan. Isinunod ang pangalan nito sa tatlong bilog na punso na dating nakatirik sa katimugang pampang ng Mamu River. Ang mga ito'y parang tatlong kumikslap na bituin sa langit, bawa't isa'y mga 300 metro ang diyametro at ayon sa mga alamat, ang mga ito'y tatlong dakot na lupa na isinabog ng Jade Emperor sa langit. Noong mga 70 taon na ang nakararaan, ang mga guho ng sinaunang Kahariang Shu ay nadiskubre sa Sanxingdui, at maraming relikyang pangkasaysayan ang nahukay doon. Isiniwalat ng mga pag-aaral na arkeolohikal sa mga natuklasang ito na ang kahariang Shu ay isa nang estado noon pa mang 4,000 taon na ang nakararaan. Ito'y may malawak na teritoryo, malaking populasyon at may matatag at nagsasariling sistemang pulitikal na mas sulong kaysa sa isang lipunan ng tribu, at may kulturang nagtataglay ng natatanging katangian ng Kapatagang Chuangxi o Western Sichuan plain. Ang naturang mga guho ay tinawag ng mga historiko na ika-9 na Kababalaghan sa daigdig.
Sa pagsisimula ng taong 2001, tumulak kami mula Chengdu, kapitolyo ng lalawigan ng Sichuan, at naglakbay ng 30 kilometro pahilaga patungo sa mga guho ng Sanxingdui.
Ang Sanxingdui Museum ay kinalalagakan ng mahigit isang libong katangitanging relikyang pangkasaysayan na nakuha mula sa dalawang hukay. Ang mga ito'y kinabibilangan ng anim na pambansang kayamanan: ang yari sa bronze na pigura ng nakatayong tao ay may taas na sapat na para tawaging World's King of Bronze Figures; ang yari sa bronze na maskarang sumasagisag sa Can Cong, ang founding god ng tribong Shu; ng gilded wooden walking stick na sumasagisag naman sa kapangyarihan ng hari ng Shu; ang mataas na yari rin sa bronze na divine tree na marahil ay siyang pinakamataas at pinakamatandang bronze terr sa daigdig; ang jade Bianzhang (sacrificial vessel) na punong puno ng mga inukit na disenyong nagpapakita ng mga seremonya ng pagsasakripisyo ng isang primitibong relihiyon at ang jade yazhang (isa pa ng uri sa sacrificial vessel) na nagpapakita naman ng mahusay na "polishing" at "drilling techniques" ng sinaunang kahariang Shu.
Matatagpuan din dito ang iba't ibang klase ng bronze figures, mascara ibon at hayop at iba't ibang klase ng pottery, jade at gold articles na may katangiang local. Ang ilang tuklas na arkeolohikal na gaya ng pottery "he" o basong may tatlong paa, mataas na pasingawang tasa, jade ge o dagger-axe, jade cong na isang pahabang malukong na lalagyang may rektanggulo ang gilid at yari sa bronze na lalagyan ng alak ay pawing nagtataglay ng implwensiya ng kultura ng Gitnang Tsina noong panahon ng Xia at Shang Dynasties na umiral noong (B.C. 2,000- B.C.1,600) at (B.C. 1,600- B.C.1,000) ayon sa pagkakasunod. Ang mga ito'y patunay ng pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng kahariang Shu sa Sichuan at ng mga mamamayan sa Gitnang Tsina may 3,000 hanggang 4,000 taon na ang nakararaan.
|