• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-29 14:17:36    
Si Ruan Yisan, isang dalubhasa sa pangangalaga sa mga lunsod

CRI

Kung makakapaglakbay kayo sa Tsina, tiyak na papupurihan ninyo ang mahigit 30 pamanang pandaigdig na may magkakaibang katangian. Kabilang dito, ang Pingyao sa kahilagaan at Zhouzhuang sa katimugan ay ang mga kinatawan ng mga matandang lunsod at bayan sa Tsina. Ang pagiging bantog ng naturang dalawang matandangg lunsod ay may kinalaman sa isang iskolar na si Ruan Yisan. Sa programa sa gabing ito, ipapakilala sa inyo si Ruan Yisan, isang dalubhasa sa pangangalaga sa mga matandang lunsod.

Ang 72 taong-gulang na si Ruan Yisan ay isang propesor mula sa Tongji University, samantalang nanunungkulan sa mga posisyon na gaya ng Direktor ng Sentro ng Pananaliksik sa mga Bantog na Lunsod na Historikal at Kultural ng Estado ng Tsina. Isinilang si Ruan sa lunsod ng Suzhou na tinatawag na "Heaven under the World". Noong bata pa siya, lubos ang pagkagiliw siya sa lunsod na ito.

Noong taong 1956, nag-enroll si Ruan sa Architecture Department ng Tongji University. Pagkaraang makatapos ng pag-aaral, nagturo siya sa unibersidad na ito. Noong ika-6 na dekada ng nagdaang siglo, magkasamang siulat nila ng propesor niyang si Ginoong Dong Jianhong, ang "Kasaysayan ng Konstruksyon ng mga Lunsod ng Tsina". Upang makakuha ng pinakahuling datos, gumugol siya ng maraming panahon para masuri ang iba't ibang lugar. Sinabi niya na: "Noong panahong iyon, pumunta ako sa maraming lunsod sa buong bansa. Pagkaraan ng apat hanggang limang taon, ipinalalagay kong napakaganda ng mga lunsod ng Tsina, at mahaba ang kanilang kasaysayan at maganda ang kanilang kultura. Noong ika-6 na dekada ng nagdaang siglo, walang pagbabago sa naturang mga lunsod at napangalagaan sila nang lubos. Talagang masaya at makulay ang mga lunsod ng Tsina."

Noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, kasunod ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, malawakang isinagawa ang konstruksyon ng imprastruktura sa iba't ibang lugar ng bansa. Sa gayon, nabago nang malaki ang mga lunsod, at mabilis na naglaho ang mga lunsod na may iba't ibang katangian, kaya nasiphayo si Ruan .

Ang pagiging isang kilalang personahe ni Ruan Yisan ay nagsimula sa pangangalaga niya sa matandang lunsod ng Pingyao. Ang Pingyao ay isang lunsod na may tatlo hanggang apat na daang taong kasaysayan. Maraming ulit siyang pumunta sa lunsod na ito para magsuri. Isang araw, natuklasan niyang nahaharap ang lunsod na ito sa malaking krisis. Nang alalahanin ang kalagayan noong panahong iyon, sinabi niya na: "Sa pagsisimula ng gawain sa Pingyao noong unang dako ng ika-8 dekada, ako'y nasa isang lunsod sa paligid ng Pingyao. Noong panahong iyon, sumibol ang isang "construction wave" sa buong lunsod, at mahigit 30 arkitektura ng Ming Dynasty at mahigit isang daang arkitektura ng Qing Dynasty ang naalis."

Bunga ng puspusang pagsisikap ni Ruan Yisan, naisagawa ang planong iniharap niya na "paghiwalayin ang bago at matandang lunsod, pangalagaan ang matandang lunsod, lagyan ng lugar ang bagong zona". Sa gayon, nailigtas ang matandang lunsod ng Pingyao.

Ang pagliligtas ni Ruan sa Pingyao ay naging unang modelo ng komprehensibong pangangalaga ng Tsina sa mga matandang lunsod. Noong taong 1986, nailakip ang Pingyao sa listahan ng mga bantog na lunsod na historikal at kultural ng bansa, at noong taong 1997, nailakip ito sa "Pamanang Pangkulturang Pandaigdig". Kaugnay nito, masayang sinabi niya na: "Mula noong panahong iyon, sinimulan kong magsikap para mapangalagaan ang mga historikal na matandang lunsod. Noong panahong iyon, pinasulong ko din ang pagkakapatibay ng aming bansa ng regulasyon hinggil sa pangangalaga ng mga bantog na lunsod na historikal at kultural. Noong panahong iyon, nagsisikap ako kasama nina Ginoong Hou Renzhi at Ginoong Luo Zhewen sa larangang ito."

Sa kurso ng kaniyang gawain, maraming kinaharap na kahirapan at puna si Ruan, ngunit ang panghuling resulta naman ay nagpatunay na si Ruan Yisan ay isang iskolar at dalubhasa na may maliwanag na pananaw sa malayo.