• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-08 16:37:25    
Masarap at malinamnam na Chinese soup, request ng Filipino OCWs sa Jeddah

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon JR. At welcome sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang tinig sa kabilang linya ng telepono na maririnig ninyo at kay Pilar Advincula, isang kababayan na namamalagi dito sa Tsina.

Bilang tugon sa kahilingan ng mga kababayan sa Jeddah, Saudi Arabia, nag-volunteer si Pilar na ituro ang paraan ng pagluluto ng masarap na Chinese soup na ayon sa kaniya, madalas niyang i-serue sa kaniyang hubby-mister.

Pero bago iyan, magtanungan muna tayo. May tanong kami sa inyo. Kung masasalubong mo si Santa Claus, ano ang hihingiin mong regalo sa kaniya? Uulitin ko. Kung masasalubong mo si Santa Claus, ano ang hihingiin mong regalo sa kaniya?

Kung masasagot ninyo nang makuwela ang tanong na iyan, kayo ay tatanggap ng: first prize-DVD player, second prize-MP4, third prize-tea set at consolation prize sa lahat ng sasali.

Okay, narito na si Pilar.

Sabi ni Pilar, marami pa siyang alam na ibang Chinese soup pero baka hindi raw available sa Jeddah ang mga rekado kaya itong steamed egg soup ang pinili niya.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang mga kakailanganin sa pagluluto nitong steamed egg soup. Naritong muli si Pilar.

Naritong muli ang mga sangkap: 5 itlog, 500 gramo ng tubig, 3 gramo ng asin, 2 gramo ng vetsin, 5 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino, 5 gramo ng sesame oil.

Punta na tayo sa paraan ng pagluluto.

O, simpleng lang iyan, ha? Napakadaling tandaan. Batihin ang mga itlog sa isang mangkok. Lagyan ng asin, vetsin at tubig, tapos haluin nang mabuti. Ilagay ang mangkok sa isang steamer at initin sa loob ng 15 minuto. Hanguin, wisikan ng sesame oil at budeuran ng scallions at isilbi.

Iyan si Pilar Advincula at ang kaniyang steamed egg soup.

Bago tayo dumako sa letter-reading portion, tunghayan muna natin ang ilang SMS mula sa ating textmates.

HOST: Mula sa 9286429970, "I am praying at this very moment for you, that you may receive god's grace not only today nor tomorrow, but always…" at mula naman sa 9286498832, "salamat mga bosing sa mga regalo, lalo na sa CD ng Chinese music. Baka naman puwedeng bigyan ninyo ako ng kumpletong volume…"

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksyong Filipino.

Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Madeiline Sta. Teresa ng Kamuning, Q. C.

Sabi ng kaniyang liham:

Dear Kuya Ramon,

A very Merry Christmas and a prosperous new year sa iyo at sa lahat ng mga kasamahang reporters at announcers sa Filipino Service. Wish ko na sana mga-enjoy kayo ng blessings, iyung maraming-marami, sa okasyon ng pagsilang ni Jesus.

Smart ka talaga, Loying DJ. Ipinadala mo nang maaga ang regalo mo sa akin para maiwasan ang Christmas rush. Iyan ang gusto ko sa iyo, talagang gusto mong mapasaya kaming lahat ng mga tagasubaybay mo.

Meron akong padalang maliit na novelty item sa iyo. Sana magustuhan mo. Papasko ko iyon sa iyo.

Ang dasal ko sa pagsisimbang-gabi ko ay sana lumawig pa ang inyong mga programa at manatili kang malakas at malusog para maipagpatuloy mo ang pagkakaloob mo ng magandang serbisyo sa amin.

Merry Christmas and may god keep you.

Madeline Sta, Teresa

Kamuning, Quezon City

Phils.

Thank you so much Madeiline sa iyong liham, sa iyong pagpapahalaga sa aming mga programa at higit sa lahat sa iyong mga dalangin. Kailangang-kailangan naming iyan. Thank you uli at god love you.

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon JR. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.