• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-08 16:38:05    
Tianjin Binhai New Area, naghahangad ng koordinadong pag-unlad

CRI
Sa taunang sesyong plenaryo ng NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina noong nagdaang Marso, itinakda bilang isa sa mga pangunahing proyekto ng bansa ang Binhai New Area ng Tianjin, munisipalidad sa baybaying-dagat sa dakong hilaga ng bansa.

Ang Teda, Tianjin Economic-Technological Development Area, ay mahalagang bahagi ng Binhai New Area. Hanggang katapusan ng nagdaang taon, mahigit 4,000 bahay-kalakal na dayuhan ang naaprubahan nang magpatakbo ng kanilang negosyo roon at lumampas sa 29 na bilyong dolyares ang kabuuang puhunang dayuhan.

Noon pa mang 1994, nagbukas na ang Motorola ng kanyang pabrika ng paggawa ng mobile phone sa Teda. Isinalaysay ni Yang Boning, may kinalamang opisyal ng kompanya, na ang kanilang pabrika sa Teda ang pinakamalaking manufacturing base ng bahay-kalakal sa buong daigdig. Sinabi pa niya na:

"Ang Tsina ang pinakamalaking bansang pamilihan ng Motorola. Ibinebenta sa buong daigdig ang mga mobile phone na ginagawa sa Tsina. Meron din kaming R&D center sa Tsina. Ang aming idinidebelop na software dito ay ginagamit ng mga operator sa apat na sulok ng mundo."

Bukod sa Teda, matatagpuan din sa Binhai New Area ang Tianjin Harbour, pinakamalaking artipisyal na daungan ng Tsina at gayundin ang bonded zone, bagay na nagsisilbing bentahe sa pagpapaunlad ng transportasyong pandagat at industriya ng logistics.

Halos umaabot sa 200 kilometro kuwadrado ang saklaw ng Tianjin Habour. Maaring maglabas-pasok sa puwerto sa anumang oras ang mga 150 libong tonnage na bapor at lumalampas sa 200 milyong tonelada ang taunang handling capacity. Bilang pinakamalaking ganitong sona sa dakong hilaga ng bansa, ang bonded zone sa Tianjin Harbor ay nakakaakit ng maraming bahay-kalakal sa loob at labas ng bansa. Pagdating sa planong pangkaunlaran ng Binhai sa susunod na limang taon, sinabi ni Liu Mingde, isang may kinalamang opisyal ng Munisipalidad ng Tianjin, na:

"Kaugnay ng Tianjin Harbor, magbubukas kami ng may istandard na pandaigdig na agusan kung saan maaring dumaan ang 250 libong tonnage na bapor at ang taunang handling capacity nito ay inaasahang lalampas sa 300 milyong tonelada. Sa pamamagitan ng nabanggit na bapor, mag-uugnay ang kalakalan sa pagitan ng Tsina't mga bansa ng Hilagang-Silangang Asya at gayundin ang kalakalan ng Tsina at mga bansa ng Sentral Asya at kanlurang Asya. Magdedebelop din kami ng Tianjin bonded zone para gawing pinakabukas na ganitong sona sa dakong hilaga ng Tsina. Sa gayon, mapatingkad ang papel ng Binhai bilang pandaigdig na sentro ng transportasyong pandagat at pandaigdig na base ng logistics."

Kasabay ng pagpapaunlad ng kabuhayan, hindi kailanman binabalewala ng Binhai ang pangangalaga sa kapaligiran para maisakatuparan ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayan at kapaligiran. Lubos na kinakatigan doon ang mga proyekto na tulad ng pagbawi at muling pagtunaw sa scrap steel at paghawak sa mga basurang industriyal para gawing walang panganib sa tao ang mga ito. Salamat sa walang hintong pagsisikap ng Binhai, umaabot na sa 35% ang green coverage ng Binhai at ang konsumo ng enerhiya ng tuwing 10 libong Yuan na GDP ay 1/10 ng karaniwang bilang ng buong bansa.

Si Florence Cherry, taga-Estados Unidos, ay nagtatrabaho at naninirahan doon sa Binhai New Area. Namamangha siya sa pagpapahalaga ng Binhai sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niya na:

"Natutuklasan kong upang mapangalagaan ang kapaligiran, pinag-iiba-iba, binabawi at muling ginagamit nila ang lahat ng mga itinatapong materyal na kinabibilangan ng papel, metal at plastic. Napakahalaga ng pagpapanatiling balanse ng kalikasan, kung sisirain ang naturang balanse, magaganap ang kalamidad."

Sa katotohanan, ang paghahangad ng matatag, koordinado at komprehensibong pag-unlad ay nagsisilbing pangmalayuang target ng Tsina pagdating sa pagpapaunlad ng kabuhayan at siya ring target ng Binhai New Area.