• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-09 10:04:10    
Fish in Egg Custard

CRI

Mga Sangkap

1 karpa (tumitimbang ng 250 gramo)
3 itlog
2 gramo ng mantika
3 gramo ng asin
1 gramo ng vetsin
150 gramo ng malinaw na sabaw
5 gramo ng scallion and ginger soak
5 gramo ng rice wine

Paraan ng Pagluluto

Alisin ng kaliskis, hasang at lamanloob ang karpa at pagkatapos ay hugasan at linisin. Maglagay ng 1000 gramo ng tubig sa kaldero, pakuluin at banlian ang karpa sa loob ng 1 minuto. Alisin at banlawan. Tapos ilagay sa lalagyan at itabi muna para mamaya.

Magbati ng itlog sa bowl. Lagyan ng asin, vetsin, malinaw na sabaw, rice wine, mantika at scallion-and-ginger soak. Haluing mabuti. Ibuhos ang sarsa sa karpa. Pasingawan ang karpa sa loob ng 10 minuto. Isilbi.