• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-11 10:52:39    
Patalastas hinggil sa paligsahang pangkaalamang pinamagatang "Sichuan — lupang tinubuan ng mga panda"

CRI

Mga giliw na tagasubaysay, magandang balita! Gusto ba ninyong magwagi ng sorpresang gantimpala? Gusto ba ninyong maglakbay sa Sichuan, lupang-tinubuan ng Panda, nang walang gastos? Kung gayon, lumahok sa aming paligsahang pangkaalaman—"Sichuan, Lupang-tinubuan ng Panda".

Nagsimula ang paligsahang ito mula ika-29 ng nagdaang Nobyembre at magtatapos sa susunod na Abril. Nahahati sa limang artikulo ang mga nilalaman ng paligsahan at isasahimpapawid ang mga artikulo tuwing Miyerkules.

Napakasimple at napakadali! Sagutin lamang ninyo ang mga tanong sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat artikulo at ipadala sa koreo ang inyong sagot. Maari rin kayong sumali on-line. Wala kayong gagawin kundi bisitahin ang aming website: ph.chinabroadcast.cn at i-log-on ang inyong sagot.

Buong pananabik na hihihtayin namin ang inyong lahok!