Sa loob ng 508 araw, sa kurso ng paglalakad sa Great Wall, mahigit isang daang bayan at lunsod ang naraanan ni Dong Yaohui at ng kaniyang kaibigan, at natapos nila ang kanilang dakilang plano ng paglalakad sa "dakilang pader".
Noong taong 1985, sinimulan niyang mag-aral sa Beijing University. Sa panahong iyon, nakipag-ugnayan si Dong Yaohui sa mas maraming iskolar at dalubhasa, at direkta siyang nakilahok sa paghahanda sa pagbuo ng Samahang Akademiko ng Great Wall. Kasabay nito, isinaayos niya ang resulta ng kaniyang paglalakad sa Great Wall, at naipalathala niya ang "Imbestigasyon sa Great Wall ng Dinastiyang Ming".
Sapul noong taong 1995, magkasunod na hinirang si Dong bilang Pangkalahatang Kalihim, Pangalawang Puno ng nasabing samahan, at aktibo niyang iniorganisa ang mga aktibidad na akademiko at panlipunan na may kinalaman sa pangangalaga sa Great Wall, at nanawagan siya para sa pagpapatibay ng batas para sa pangangalaga sa Great Wall. Sa ilalim ng panawagan ng iba't ibang sirkulo ng lipunan sa maraming taon, noong huling hati ng taong 2003, opisyal na pinasimulan ang gawaing lehislatibo para sa pangangalaga sa Great Wall. Sa kasalukuyan, opisyal na pinaiiral ang "Regulasyon hinggil sa Pangangalaga sa Great Wall. Kaugnay nito, sinabi ni Dong na: "Maraming insidente ng paninira sa Great Wall sa mga purok, at kaunti lamang ang mabisang napaparusahan sa naturang mga insidente, at ito ay hindi makakabuti sa pangangalaga sa Great Wall. Bilang isang espesyal na pamana, nangangailangan ito ng espesyal na batas. Pagkaraang ipalabas ang regulasyong ito, nananalig akong mapapatingkad ang papel na tagapagpasulong sa gawain ng pangangalaga sa Great Wall sa buong bansa."
|