• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-15 19:43:55    
Tagapakinig: salamat sa tapat na paglilingkod ng Serbisyo Filipino

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon JR. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang mga liham na tutunghayan natin ngayong gabi ay padala ni Poska de la Rosa ng Antipolo at ng San Andres Boys ng Maynila.

Sabi ni Poska:

Dear Kuya Ramon,

Merry Christmas belated at Happy New Year and Happy Three Kings. How old you spend your Christmas? Huwag mong sabihing working. Sabi ko na nga ba, E, working. Kelan mo bibigyan ng panahon ang sarili mo?

Wala ka dito kaya hindi mo nakita kung paano ako nagtatalon nang matanggap ko ang X'mas girt mo. Ganiyan ka kahalaga sa akin. Anuman ang ibigay mo, mahalaga sa akin. Taglagang ikaw ang MR. Universe ng buhay ko. Siguro iyan din ang dahilan kaya hindi ako malaki sa gabi kung hindi ako makapakinig sa inyong mga programa.

Madalas na pinakikinggan ko sa frequency 7.180 at 12.110 ang inyong mga balita tungkol sa China, mga artikulo hinggil sa kultura ng China at mga lugar sa China na dapat bisitahan. Siyempre hindi ko puwedeng palampasin ang mga programa mo dahil alam kona, alam mo na... catch my drift...

Sa last letter mo, you asked me if I meet Santa Claus, ano ang hihingin kong regalo sa kaniya. Siyempre bagay na hindi nababalot tulad ng house and lot, kotse, ala set, at ibapa.

Sasabihin ko sa iyo ang feedback ko sa inyong Christmas presentation. Gaano ba ito ka-espesyal? Sabi mo ipaparinig mo sa amin ang tugtugin ng ilang bandang Pilipino diyan sa Beijing. That's cool.

Maganda ang dating ng boses mo all these months. Ibig sabihin okay na okay ka. Maganda rin ang dating ng iyong gabi ng musika at DSF. Cool na cool din ang iyong mga selection.

Okay, ituloy natin ito next time. Marami pang sulat ang naghihintay na mabasa.

Take care of yourself cause nobody will.

Poska de la Rosa

Circumferential Road

Antipolo, Rizal, Phils

Thank you so much, Poska, sa iyong liham. Isang bagay lang ang masasabi ko sa iyo: You are very, very sweet. Sana hindi magbago ang attitude mo sa amin ditto sa Serbisyo Filipino. Thanks once again, God love you at sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko rito, happy new year.

Bago tayo dumako sa ikalawang liham, tunghayan muna natin ang ilang SMS mula sa ating textmates.

Mula sa 9286410980, "Happy New Year at Happy There Kings ang bati ko sa inyo ngayon. My very best sa lahat ng Miyembro ng Filipino Service. You are just great!"

Mula sa 9174013194, "Kuya, huwag mong kalimutang basahin ang king Happy New Year greetings sa iyong DSF o Gabi ng Musika, at huwag mong kalimutan ang request kong bookmarks."

At mula naman sa 9194260570, "Happy New Year to all! I wish you a bigger following in the coming years. Kayo ay malaking inspirasyon sa amin."

Tingnan naman natin kung ano ang laman ng liham ng San Andres Boys.

Dear Pilipino Service,

Isang masayang bati mula sa San Andres Boys para sa panahon ng kapaskuhan. Siyempre lahat kami rito walang hinahangad kundi inyong kaligayahan. Siguro hindi ninyo alam na marami sa amin dito ay masugid na sumusubaybay sa inyong palatuntunan sa radio. Binabasa rin naming ang soft copies sa inyong website.

Matagal na naming inaabangan ang pinagsama-sama naming tinig na umaawit ng awting pamasko. Hindi naming alam kung nagustuhan ninyo.

Naniniwala kami na ang pasko ay pag-ala-ala, hindi lamang sa mga inaanak. Ito ay pag-ala-ala rin sa mga kapus-palad na mga kapuwa-tao natin. Marami sila. Ang pasko ay hindi lang pagbili ng bagong damit. Pag-iisip din kung sino sa ating kapuwa ang walang damit.

Pinasasalamatan namin kayo sa inyong tapat na paglilingkod sa amin at sa pagtuloy na pagbibigay ng importansiya sa amin kahit kami ay ganitong lang-mga istambay sa kanto. Pero hindi lang kami mga istambay talaga. Mahinna lang ang kita.

Malakas ang appeal sa amin ng inyong programang Gabi ng Musika kasi maririnig namin ang mga test message ng mga kaibigan naming, patina sa amin. Ganoon din naman ang inyong Dear Seksiyong Filipino kasi naririnig namin mga sulat ng kaibigan at sa amindin.

Kung masasalubong namin si Santa Claus, ang hihilingin naming ay dahilan niya kami sa kaniyang sasakyan sa China Radio International par a magka magkakila-kilala tayo nang personal.

San Andres Boys

San Andres, Manila

Philippines

Host: Thank you so much, guys, sa inyong liham at sa inyong patuloy na pagtataguyod sa aming mga programa. Huwag kayong mag-alala, maririnig din ninyo ang inyong kanta. Inihaharap lang naming ng slot. Huwag kayong magsasawa ng pakikinig at pagsulat sa amin, Ha? Thank you uli at sa ngalan ng mga kasamahang ko rito, Merry X'mas and Happy New Year.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Pasensiya na kayo. Maraming salamat sa inyong pakikinig at Happy New Year mula sa aming lahat.

Itong muli si Ramon Jr, na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.