• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-19 19:53:56    
Tsina, aktibo sa transaksyon sa karapatan sa pagbuga ng greenhouse gas

CRI
Itinatadhana ng Kyoto Protocol na dapat unti-unting bawasan ng mga maunlad na bansa ang kanilang emisyon ng greenhouse gas, pero, wala pa itong kahilingan dito sa mga umuunlad na bansa. Sa ilalim ng kalagayang ito, lumilitaw na ang transaksyon ng karapatan sa pagbuga ng greenhouse gas na tinatawag na Clean Development Mechanism o CDM at ito ay itinuturing na mabisang kalutasan bilang tugon sa pag-init ng panahon.

Nitong nakaraang Setyembre, lumagda ang Italian Carbon Fund at Nanjing Iron and Steel Co. Ltd. sa kasunduan hinggil sa transaksyon sa karapatan sa pagbuga ng carbon dioxide. Ayon sa kasunduan, nakapagtatamo ang bahay-kalakal na Tsino ng pondo at teknolohiya sa pagbawi at muling paggamit ng converter gas samantalang nakakakuha ang panig Italiano ng karapatan sa pagbuga ng halos 650 libong toneladang carbon dioxide sa loob ng susunod na 10 taon. Isinalaysay ni Liu Yuejian, isang namamahalang tauhan ng nasabing kompanyang Tsino, na sa ilalim ng proyektong ito, maaaring mabawi at muling magamit ang gas sa pagdidiyenereyt ng koryente. Aniya, hindi lamang ito mapangalaga sa kapaligiran, matipid pa sa enerhiya. Sinabi pa niya na:

"Maaaring kumita ang aming bahay-kalakal ng 32 milyong Yuan RMB o 4 na milyong dolyares sa proyektong ito. Bukod dito, tinatayang aabot sa 150 milyong kilowatt-hour ang maididiyenereyt na koryente sa pamamagitan ng mababawing gas bawat dalawang converter."

Ito ang kauna-unahang proyekto ng pagtitipid sa enerhiya na pinagkalooban ng pahintulot ng Pamahalaang Tsino sa ilalim ng Clean Development Mechanism.

Ayon sa Kyoto Protocol, mula 2008 hanggang 2012, ang 35 maunlad na kasapi nito ay dapat magbawas ng 5.2% ng kanilang emisyon ng greenhouse gas kumpara sa taong 1990, kung hindi, bibigyan sila ng mabigat na parusa. Samantala, wala pang kahilingan sa mga umuunalad na bansa ang protokol. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, itinatag ng komunidad ng daigdig ang CDM. Batay sa mekanismong ito, ang mga maunlad na bansa ay nagkakaloob ng tulong na salapi at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa bilang pagkatig sa huli sa pagpapaunlad nito ng proyekto ng pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas at sa gayon, ang mga maunlad na bansa ay makakahuha ng kota ng emisyon.

Ayon sa pinakahuling pambansang plano ng Tsina, sa taong 2010, dapat bawasan ng 20% ang konsumo sa enerhiya per capita GDP kumpara sa taong 2005. Ang transaksyon sa karapatan sa emisyon ng greenhouse gas ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng naturang target. Kaya, parami nang paraming bahay-kalakal na Tsino ang nakikilahok sa pamilihang ito. Ayon sa datos ng National Development and Reform Commission, sa kasalukuyan, may mahigit 120 proyektong may kinalamang sa CDM at lampas sa 600 milyong tonelada ang mababawasa na bolyum ng emisyon.

Ipinalalagay ni Lv Xuedu, isang namamahalang tauhan ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, na malaki ang potensyal ng kinauukulang pamilihang Tsino. Sinabi niya na:

"Sa larangan ng pagtitipid sa enerhiya man o sa larangan ng renewable energy o sa pagbawi at muling paggamit ng coal dust at methane, makakakita ang mga mangangalakal na dayuhan ng pagkakataong komersyal sa Tsina."

Sa ilalim ng ganitong proyekto, ang maunlad na bansa ay dapat magbayad sa umuunlad na bansa ng humigit-kumulang 10 dolyares bawat isang toneladang mababawas na emisyon ng carbon dioxide. Sa larangang ito, tinatayang aabot sa di-kukulanging sa 10 bilyong dolyares ang pamilihang Tsino. Ayon sa datos ng World Bank, hanggang nitong nakaraang Setyembre, ang Tsina ay bumuo ng 60% ng pamilihang pandaigdig sa transaksyon sa karapatan sa pagbuga ng greenhouse gas.

Gayunpaman, kung gustong makilahok sa pamilihang ito ang mga bahay-kalakal na Tsino, dapat muna silang mabihasa sa mga requirement at hakbang. Kaugnay nito, sinabi ni Sui Gaofeng, isang opisyal sa CDM sa Lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng bansa, na:

"Upang malaman ng mga bahay-kalakal na Tsino ang kinauukulang regulasyon, ang mga organo at dalubhasa na parmiliar sa kinauukulang normang pandaigdig at nakapagkakaloob ng kinauukulang serbisyo ang kakailanganin."

Napag-alamang sa ilang lalawigan ng bansa, naitatag na ang mga espesyal na organo para mapasulong ang CDM sa Tsina at buong higpit na nakikipagtulungan sila sa World Bank para matulungan ang mga bahay-kalakal na Tsino na makilahok dito.