• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-19 19:55:47    
Mga dayuhang eksperto sa Ningxia

CRI
Si David Dorsett ay isang Amerikano, na gustong matawag sa kaniyang pangalang Tsino Du Dawei. Sapul noong 8 taon na ang nakalilipas, nagsisilbing coordinator ng Chenxing Fund Co. Ltd sa rehiyong awtonomo ng Ningxia.

Noong 1997, sa isang pulong ng mga dalubhasang dayuhan na idinaos sa Xi'an, sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, nagtagpo sina David at ginoong Wang na mula sa tanggapan sa suliraning panlabas ng Ningxia. Pagkaraan ng magiliw na pag-uusap, ipinasok sa Ningxia ng Chenxing Fund ang isang grupo ng English teachers ng Engles. Ilang buwan pagkatapos nito, bumalik siya sa Ningxia kasama ang kanyang asawa. Ang Ningxia ay nag-iwan ng magandang impresyon sa kanya: sariwa ang hangin, mapagkaibigan ang mga taga-roon. Sa kanyang tingin, higit na nangangailangan ang Ningxia ng tulong kumpara sa iba pang purok ng Tsina.

Ang Chenxing Fund Co. Ltd na may punong-himpilan sa HongKong ay isang non-profit organisasyon ang pondo nito ay nagmumula, pangunahin na, sa abuloy ng mga simbahan, paaralan, kompanya at indibiduwal sa buong daigdig. Pumalaot ang organisasyong ito sa pagpapasulong ng pag-unlad ng edukasyon, kapitbahayan, gawaing panaklolo, kalusugan at iba't pang usaping pampubliko sa mga maralitang rehiyon ng Tsina. Hinggil dito, sinabi ni David na:

"wala kaming maraming pera, kaya, hindi kami makagawa ng kalsada o makapag-tayo ng paaralan na gaya ng malalaking organisasyon. nakakatulong lamang kami sa mga dropout na muling bumalik sa paaralan, o humukay ng balon para sa pamilya na walang inuming tubig. Ang lahat ng mga ginagawa namin ay naglalayong matugunan ang pinakakailangang kailangan bagay ng mga mahihirap. Ang tanging posesyon lamang naming ay ang karampot na pondo at ilang mabait na tao, na nakatayo sa harap ninyo at nagtatanong: "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

Ang timog Ningxia ay tuyong-tuyo at kulang na kulang sa ulan. Sa malaking bahagi ng buong taon, umabot sa 300mm ang annual precipitation doon, ngunit, ang vaporization volumn ay 10 ulit nito, Bukod dito, malaki ang populasyon at grabe ang kapaligirang ekolihikal doon, sa gayon, ang Ningxia ay nagsisilbing pangunahing rehiyon kung saan dapat isagawa ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap ng Tsina, kaya naman ito ang naging pangunahing rehiyon para kay David sa trabaho. Sa nakaraang 8 taon, isinagawa ni David at kanyang fund ang maraming proyekto sa timog Ningxia na kinabibilangan ng pagkakaloob ng gurong dayuhan, pagsasanay sa mga guro sa lokalidad, paghuhukay ng balon, pagkakaloob ng patnubay na agrikultural sa mga lokal na magsasaka at iba pa. Hindi gaanong kadakila ang kanilang gawain, ngunit, sa kanilang palagay, ito ay pinakamahalaga at pinakamabunga.

Bumalik tuwing 4 na taon bumabalik si David sa Estados Unidos kasama ang kanyang asawa, 5 taong gulang na batang babae at 3 taong gulang na anak na lalaki para dumalaw sa kanilang ama, ina, mga kamag-anak at kaibigan. Palagiang kinakatigan ng mga pamilya nina David at kanyang asawa ang kanilang gawain sa Tsina. Noong ilang taon, yumao ang biyanang babae ni David dahil sa cancer, at kahit wala na sa piling ng asawa ni David ang kanyang ina, positibo naman ang kaniyang ama sa gawain nina Mr at Mrs Dorsett sa Tsina. Ang ikinalulungkot lamang niya nang labis ay hindi niya laging nakikita ang apo. Tumatagal nang 1 taon ang home leave ni David, at puwede silang magrelaks-relaks ng kaniyang asawa, ngunit, ginugugol nila ang panahong ito para mangalap ng mga bagong boluntaryo at pondo para sa kanilang gawain sa susunod na taon. Bakit ganito? Sabi ni David:

"Nang makita namin na, totohanang nagbabago ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal dahil sa aming ginagawa, maligya-maligya kami. Marahil, mababasa mo sa kanilang mata ang pasasalamat sa akin."

Dahil sa kanyang namumukod na ambag sa konstruksyon ng Ningxia, si David ay pinagkalooban ng Liu Pan Shan Friendship Award kasama ng iba pang 5 dalubhasa mula sa Timog Korea, Kanada, Pilipinas at iba pa.

Ayon sa salaysay ni Ma Jikai, direktor ng kawanihan ng mga dalubhasang dayuhan ng Ningxia na:

"Nitong ilang taong nakalipas, pagkaraan ng pagsasagawa ng paggagalugad sa gawing kanluran ng Tsina, may halos 500 dalubhasa at kaibigang dayuhan mula sa mahigit 20 bansa ang magkakasunod na nagtatrabaho sa Ningxia. Nagbigay sila ng malaking ambag sa pagpapasulong ng pakikipagpalitan sa labas, at nakapabilis ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Ningxia."

Sa proseso ng konstruksyon, kailangan ng Ningxia ang iba't ibang uri ng dalubhasang dayuhan para humikayat ang mass maraming dalubhasang dayuhan at kaibigan na magtrabaho sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Ningxia, nagbibigay ang pamahalaan ng Ningxia ang maraming preperensiyal na patakaran at hakbangin para sa encouragement, ang Liu Pan Shan Friendship Award ay isa sa kanila.