• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-23 19:33:05    
Sweet and Sour Fish

CRI

Mga Sangkap

1 dilaw na isdang croacker (tumitimbang ng 750 gramo)
150 gramo ng tomato sauce
500 gramo ng langis na panluto (o mantika)
50 gramo ng suka
150 gramo ng asukal
6 na gramo ng asin
2 gramo ng dinikdik na bawang
2 gramo ng vetsin
100 gramo ng tubig
150 gramo ng cornstarch
50 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig
25 gramo ng rice wine

Paraan ng pagluluto

Linisin ang isda at sa magkabilang tagiliran lagyan ng apat na pahalang na hiwa. Ibabad ang isda sa apat na gramo ng asin at rice wine sa loob ng 15 minuto. Pahiran ng tuyong cornstarch ang magkabilang tagiliran at pagkatapos iwagwag ang mga labis na cornstarch na hindi kumapit sa isda.

Mag-init ng langis na panluto o mantika sa kawa mula sa 180 hanggang 200 digri sentigrado. Palanguyin sa mantika hanggang maging golden brown. Alisin at salain.

Mag-iwan ng 10 gramo ng mantika sa kawa, painitin, at pagkatapos ihulog ang dinikdik na bawang.Hintayin hanggang lumutang ang bango. Ilagay ang tomato sauce, asukal, 2 gramo ng asin, vetsin, tubig at suka.

Isunod ang mixture ng cornstarch at tubig para lumapot ang sauce. Ilagay ang isda sa plato at ibuhos ang sauce sa isda. Isilbi.