• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-25 18:00:30    
Ang Starbucks sa Forbidden City

CRI

Ang Forbidden City ay nasa rehiyong sentral ng Beijing at may mahigit 600 taong kasaysayan. Dati, ito ay nagsisilbing royal palace at ngayon, ito ang naging isa sa mga pinakakilalang makasaysayang lugar ng Tsina at kaakit-akit para sa maraming turista sa loob at labas ng bansa. Ngunit, dahil sa isang Starbucks Coffee Shop doon, nakatawag ito kamakailan ng malaking pansin ng buong lipunang Tsino.

Ang Starbucks sa Forbidden City ay naitayo noong 2000 at sa panahong iyon, tinalakay na ng mga tao ang isyung kung maari o hindi na magtatag ng Starbucks sa Forbidden City. Ngunit, noong gitanang dako ng buwang ito, isang artikulong tinawag na "Starbucks, Please get out of Forbidden City!" ang ipinalabas sa internet. Agarang naging "napakainit" ng artikulong ito sa internet. Sa 6 na araw lamang, mahigit 500 libo person-time na netziens ang nagbasa dito. Ipinalalagay ng artikuklong ito na ang Starbucks ay isang isang palatandaan ng common food culture ng E.U., hinding hindi ito angkop na pumasok sa tanda ng mahabang kasaysayng Tsino -- Forbidden City. Masigla ang reaksyon dito ng buong lipunang Tsino. Ipinalalagay ng ilang Tsino na dapat pangalagaan ang mga kultura at yamang pangkasaysayan ng bansa at hinding hindi mapahihintulutan ang pagsira sa mga ito. Ngunit, ipinahayag naman ng iba ang kanilang pagkatig sa Strarbucks dahil anila nagkaloob ito ng ginhawa para sa mga turista. Kaugnay ng isyung ito, kinapanayam ng aming mamamahayag ang ilang turista sa Forbidden City. Sinabi ni Raul Vasquez, isang turistang Amerikano na:

"Ipinalalagay kong ang Starbucks na ito ay di-angkop sa atmospera ng Forbidden City. Pero, maitatayo ito sa labas ng Forbidden City. Ang Forbidden City ay isang magandang lugar na dapat nating igalang at hindi para sa negosyo."

Ganoon din ang palagay ni Joerg Shimitz, isang turistang galing sa Alemanya. Sinabi niyang:

"Ang pagbubukas ng ganitong cafeteria sa labas ng Forbidden City ay isang mabuting kuru-kuro. Dahil ang Forbidden City ay isang makasaysayan at kultural na lugar at hindi dapat lumitaw dito ang mga establisyenmentong komersiyal na gaya ng Starbucks."

Napag-alamang espesiyal na tinalakay ng mga tagapangasiwa ang isyu ng Starbucks. Noong 2005, binago ng Starbucks ang dekorasyong panlabas nito para umangkop sa kabuuang atmospera ng Forbidden City. Kaya ipinalalagay ng ilang turista na hindi nakakaaepkto ito sa kabuuang atmospera ng konstruksyon ng Forbidden City at tunay na nagkaloob ito ng kaginhawahan sa mga turista, bakit hindi ito ouwede rito? Sinabi ni Wang Ping, isang turistang Tsino na:

"Maarari kaming bumili ng drinks mula dito, ito ang isang kaginhawahan para sa mga turista, at dahil maliit na maliit lamang ang saklaw nito, walang anumang nakikitang nangingibabaw na kulturang kanluranin dito."

Ngunit, ipinahayag ni Rob Mullin, isang turistang Amerikano na gusto niyang umiinom ng ilang drinks na may katangiang Tsino sa palasyong ito. Sinabi niyang:

"Sa halip ng coffee, gustong gusto ko ang Tsaa."

Ang Forbidden City ay ang pinakamalaking may mahabang kasaysayang palasyo sa buong daigdig at umabot sa mahigit 70 hektarya ang saklaw nito. Tiyak na uhaw at pagod ang mga turista sa kanilang pagbisita. Kaya, imposibleng hinding magkaloob ng mga drinks at pagkain sa loob nito. Isinalaysay ni Feng Nai'en, direktor ng tanggapan ng Forbidden City Museum na nakatanggap ang Forbidden City ng halos 10 milyong tursita. Bukod sa pangangalaga sa mga cultural relic at pagtugon sa pangangailangang kultural ng mga turista, dapat isaalang-alang din nito ang pagkakaloob ng mabuting serbisyo sa mga turista. Ngunit, ipinahayag pa niyang kung may pagkakasalungat ang pagnenegosyo ng Starbucks at pangangalaga sa cultural relics, tiyak na igigiit nito ang prinsypyo ng pangangalaga sa cultural relics.