|
Magandang-magandang gabi sa inyong lahat at welcome sa Gabi ng Musika.
Iyan ang pambungad na bilang para sa edisyon sa araw na ito ng Gabi ng Musika-bersiyon ni Joshua Payne ng "If You Leave Me Now" ng Chicago. Hango iyan sa collective album na "Closer: When Pop Meets Jazz."
Magandang gabi doon sa mga katiyu-tune-in pa lang. kayo ay nakikinig sa China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Huwag ninyong kalilimutan ang pangalan ng inyong loving DJ, Ramon Jr.
"To Where You Are", mula kay Josh Groban at hango sa "Timeless" album ni Sergio Mendez.
Kausap ko kanina si Erika Reyes. Sabi niya kumusta raw sa lahat ng mga kababayan sa Germany. Natutuwa daw siya sa paglaki ng Circle of friends ng Serbisyo Filipino sa Germany.
SMS mula sa 910 871 6631.
"kuya Ramon, nakikinig ako all these days.
Balita. Usap-usapan. Paglalakbay. Alam.
DSF. Musika. Ayos lang ang mga program.
Informative. Educational. Nakaka-miss
Ang boses mo. Naiiwan sa tenga ko.
Thank you, 910 871 6631. At magpatuloy tayo.
May pagkakataon na gusto mong umiyak pero ayaw tumolo ang luha mo. Hindi mo naman pinipigilan…Iyan ang " I Wanna Cry" sa pag-awit ni Eason Chan at buhat sa kaniyang "Digital Life" album.
Meron ditong napaka-agang X'mas greetings mula sa 918 730 5080.
"Ber na- September, October, November, December. Ilang days na lang Pasko na! Merry X'mas! Nasisiguro ko, ako ang unang-unang bumati sa iyo. Gift ko, ha?"
Merry X'mas din sa iyo, 918 730 5080.
Sabi naman ng text message mula sa 915 807 5559, "Kuya Ramon, tulad din ng iyong Dear Seksiyong Filipino, Enjoy din ako ng pakikinig sa pagbabasa mo ng sulat sa iyong Gabi ng Musika, at enjoy din ako sa mga text messages. Iba-ibang messages ang naririnig ko. Gandang ipasa."
Nat King Cole at ang awiting "Somewhere Along The Way" na buhat sa kaniyang album na "The World of Nat King Cole".
Sabi ng SMS mula sa 928 442 0119, "Heto kami, Grupong M/V, nagpupugay sa mga Ginoo at binibini ng CRI Serbisyo Filipino. Sana buwenas ang araw na ito para sa inyo."
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli sa Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
|