• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-02 20:32:28    
2006, isang di-karaniwang taon sa kasaysayan ng relasyon ng Tsina't ASEAN

CRI
Ang taong 2006 ay isang di-karaniwang taon sa kasaysayan ng relasyon ng Tsina't ASEAN. Sa taong ito, maraming mahalagang aktibidad na gaya ng Commemorative Summit sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pan-diyalogo ng Tsina't ASEAN sa Nan'ning ng Tsina. Para sariwain ang 2006 at tanawin ang 2007, nagtipun-tipon kamakailan dito sa Beijing ang mga dalubhasang Tsino.

Ipinalalgay ng mga kalahok na dalubhasa na ang relasyong pangkabigan ng Tsina't ASEAN ngayon ay nasa pinakamagandang yugto. Nagkaloob ito ng isang mabuting kapaligiran para sa pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang panig. Noong nagdaang taon, datapuwa't naganap sa mga bansang ASEAN ang mga insidenteng gaya ng kaligaligang pulitikal, likas na kalamidad at iba pa, hindi ito nakaapekto sa tunguhin ng pag-unlad ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang panig. Magkakasunod na lumikha ng bagong rekord ang iba't ibang economic data ng dalawang panig.

Sa talakayan, sinabi ni Xu Ningning, pirmihang pangalawang pangkalahatang kalihim ng China-ASEAN Business Council, na:

"Mainam sa kabuuan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Matatag ang kalagayang pulitikal at mainam ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga bansang ASEAN at mabilis rin ang pagtutulungan nila ng Tsina. Ang pagdaraos ng Commemorative Summit sa Nan'ning ay naging isang bagong milestone sa pagpapaunlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang panig. Sa summit na ito, lubos na pinapurihan rin ni pangulong Glorya Macapagal Arroyo ng Pilipinas ang naturang relasyon sa pagsasabing tunay na nakikinabang ang ASEAN sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino."

Binigyang-diin din ng mga dalubhasa na ang matagumpay na pagdaraos ng ika-3 China-ASEAN Expo at pagsapi ng Biyetnam sa World Trade Organization ay kapuwa gumanap ng positibong papel para sa pag-unlad ng kabuhaya't kalakalan ng dalawang panig.

Bilang pagtanaw sa 2007, ipinalalagay ng mga dalubhasa na sa pagsasaalang-alang sa pangkalahatang kalagayan ng buong daigdig, hindi kasingbilis ang paglaki ng kalakalan ng dalawang panig sa taong ito kumpara sa tinalikdang taon. Ngunit, mabilis pa rin ang paglaki. Tinaya ni Lu Jianren, pangalawang direktor ng sentro ng pananaliksik sa APEC at pagtutulungan ng silangang Asya ng Chinese Academy of Social Sciences na sa taong ito, lalaki nang mga 20% ang bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN. Sinab niya na:

"Sa kalagayang lumikha ng isang bagong kasukdulan ang relasyong Sino-ASEAN sa taong 2006, patuloy na umuunlad ito sa taong 2007 at ang pangunahing tampok nito ay galing sa pagpapasulong ng mga bagong progreso ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, CAFTA. Dahil magiging mas mababa ang taripa sa taong 2007 kaysa sa 2006, patuloy na lalaki ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan. Ngunit, hindi-lalalmpas ang bahagdan ng paglaki nito kumapra sa taong 2006."

Lubos na positibo rin ang mga dalubhasa sa bagong lagdang kasunduan ng kalakalan sa serbisyo ng Tsina at ASEAN at ipinalalagay nilang magdudulot ito ng bagong growthpoint sa pagtutulungan ng dalawang panig. Nakatawag na ang mabilis na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN ng malaking pansin ng buong daigdig. Hinggil dito, Sinabi ni Zhai Kun, puno ng South East Asia Research Office ng China Institute of Contemporary International Relations na:

"Sa antas ng buong daigdig, sa 10+1 man o 10+3, kapuwa lubos na pinahahalagan ito ng mga malaking bansa at magkakahiwalay na dinaragdagan nila ang estratehikong laang-gugulin sa ASEAN. Sa antas ng iba't ibang lugar ng Tsina, magkakasunod na pinapalakas din ng iba't ibang lalawigan ng Tsina ang kanilang pakikipagtulungan sa ASEAN."

Sa simposyum na ito, ipinalalagay ng lahat ng mga dalubhasang Tsino na napakaganda ng kasalukuyan kalagayan ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't ASEAN at lipos sila ng kompiyansa sa patuloy na pagganda nito sa taong 2007.