• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-05 19:05:28    
Enero ika-29 hanggang Pebrero ika-4

CRI

Nakipagtagpo noong Miyerkules sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Thura Shwe Mann, dumadalaw na kagawad ng Pambansang Konseho sa Kapayapaan at Kaunlaran at chief of general staff ng Myanmar. Wini-welcome ni Wen si Shwe Mann sa kanyang ikatlong pagdalaw sa Tsina. Ipinahayag naman ni Shwe Mann na ang pangunahing target ng kanyang pagdalaw na ito ay ibayo pang pahigpitin ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa.

Ipinatalastas noong Huwebes ni Gao Feng, pangalawang puno ng lalawigang Yunnan sa Timog Kanluran ng Tsina na sa simula ng taong ito magbibigay ang pamahalaan ng subsidy na 2 milyong yuan RMB para tulungan ang mga pamantasan sa loob ng lalawigan na magbukas ng kurso ng mga wika ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ipinahayag ni Gao na ang layuning ito ay para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitan ng Yunnan at ASEAN sa iba't ibang aspekto, lalung lalo na sa kalakalan. Bukod dito, binalak pa ng lalawigang Yunnan na magbukas ng mga klase ng wikang Tsino, magtatag ng mga pandaigdig na sentro ng pagpapalaganap ng wikang Tsino at magsagawa ng pagtuturo ng wikang Tsino sa internet sa mga bansa sa paligid nito.

Ayon sa estadistikang ipinalabas nooong Miyerkules ng kawanihang pang-estado ng turismo ng Singapore na sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa 1 milyon ang mga turista ng Tsina sa Singapore at ang Tsina ay naging ika-2 bansang pinanggagalingan ng pinakamaraming turista sa Singapore. Ayon sa datos, noong isang taon, tinanggap ng Singapore ang mga dayuhang turista na 9.7 miliyong persontime. Sa mga ito, pinakamarami ang mga turista mula sa Indonesiya na sinundan ng Tsina, Australia, Indya at Malaysiya.

Pagkaraan ng 10 taong pagsisikap, natapos noong isang linggo sa kabuuan ang kauna-unahang malaking aid-project ng pamahalaan ng Tsina sa labas sa pamanang pangkultura--proyekto ng panganaglaga at pagkukumpuni sa Chau Say Tevoda ng Angkor Wat ng Kambodya. Ayon sa salaysay ng kinauukulang namamahalang tauhan, sa kahilingan ng pamahalaan ng Kambodya, nakilahok ang Tsina sa gawain ng panganaglaga at pagkukumpuni sa Chau Say Tevoda ng Angkor Wat noong ika-90 dekada ng nakaraang siglo. Pormal na sinimulan ang naturang proyekto noong Marso ng taong 2000, sa kasalukuyan, natapos sa kabuuan ito. Nagsagawa ang grupo ng mga eksperto ng State Administration of Cultural Heritage ng Tsina ng eksaminasyon sa naturang proyekto noong dakong gitna ng Enero.

Sinang-ayunan noong isang linggo ng gabinete ng Malaysia kamakailan na magsagawa ang ministri ng kalusugan ng Malaysia at academy of medical science ng Tsina ng proyetkong pangkooperasyon. Ayon sa naturang proyekto, iimbitahan ang ospital ng pamahalaan ng Malaysisya ang mga manggagamot ng trandisyonal na medisina mula sa tatlong akademiyang medikal ng Tsina upang magkaloob ng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Malaysia. Ayon sa ulat, naglaan na ng pondo ang pamahalaan ng Malaysia para imbitahan ang mga manggagamot. Matutupad ang naturang plano sa loob ng darating na 3 hanggang 6 buwan. Ngunit, sa kasalukuyan, hindi pa kinupirma ng ministri ng kalusugan ng Malaysia ang bilang ng mga iniimbitahang manggagamot.

Kauna-unahang naisaoperasyon Martes ng Sanya, isang lunsod sa dakong timog ng Tsina, ang international packet ship line sa pagitan ng Sanya, Halong Bay ng Biyetnam at Hongkong ng Tsina. Simula sa buwang ito, isinasaoperasyon ang bagong line na ito nang 2 hanggang 3 ulit bawat buwan. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Sanya na makakahikayat ang packet ship ng maraming turista, at umaasang bubuksan ang mas maraming line sa Timog Silangang Asya sa hinaharap.