![]( /mmsource/images/2007/02/06/combinemeat1.jpg)
Mga sangkap
125 gramo ng lomo ng baboy 125 gramo ng dibdib ng manok 125 gramo ng Mandarin fish 1 berdeng sili 30 gramo ng karot 1 itlog 5 gramo ng shaoxing wine 3 gramo ng asin 15 gramo ng sesame oil 10 gramo ng tuyong cornstarch 5 gramo ng scallions at peppery wine (ibabad ang kaunting scallion at Chinese prickly ash sa shaoxing wine sa loob ng 10 minuto para gumawa) 5 gramo ng hini-hiniwang luya
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang lahat ng mga karne sa manipis na pirasong 5 sentimetro ang haba at i-marinate kasama ng puti ng itlog, shaoxing wine, 1.5 gramo ng asin at tuyong cornstarch. Hugasan ang berdeng sili at karot at hiwa-hiwain.
Magkakahiwalay na pakuluin sa loob ng 5 minuto ang mga karne at pakuluin sa loob ng isang minuto ang berdeng sili at karot. Alisin at patuluin.
Ilagay sa plato ang mga piraso ng karne. Lagyan ng scallion at buhusan ng peppery wine, tapos haluing mabuti. Alisin ang sarsa na dulot ng paghalo. Wikisan ng sesame oil at lagyan ng 1.5 gramo ng asin, tapos haluing mabuti. Ilagay sa isang maliit na plato ang hini-hiniwang luya para isilbi kasama ng ulam na ito.
Katangian: sa pamamagitan ng kaunting seasoning, kaiga-igaya ang ulam na ito na umaaliw sa bibig.
Lasa: maalat at masarap.
|