Hindi maaaring hindi dalawin ang mga kahanga-hangang parke sa Beijing, lalo na kung umagang araw panahon ng tag-lamig sa Forbidden City o sa araw a panahon ng taglagas sa magandang Summer Palace. Bukod tanging inirerekomenda ni Mike ang Zhongshan Park, na isa anyang magandang maliit na parke na inilaan na siyang namudo sa rebolusyon na nagpabagsak sa Qing Dynasty at para kay Dr. Sun Yat-sen, tagapagtatay ng Republika ng Tsina, na malapit sa gawing kanluran ng Tian'anmen Rostrum sa Chang'an Avenue. Ang personal niyang paborito ay ang Longtanhu Park, na nasa gawing timog ng lunsod.
Ang pag-sho-shoping, mangyari pa'y isa sa pinakapopular na libangan sa Beijing. Hindi lamang mga mahilig mamili at magbili ang mga residente ng lunsod, kundi, ang Beijing ay umaakit din ng mga mamimili mula sa buong Tsina. Para magkaroon ng tunay na karanasan sa pamimili, magsuri muna sa pamilihang pambayan sa downtown ng Funei Street. Kung mahilig kayo sa mga antiques at collectibles, huwag ninyong kalimutang puntahan ang Weekend market sa Panjiayuan sa gawing timog ng lunsod. Ang isa pang pamilihang inirerekomenda ni Mike para sa arts and crafts ay ang Hongqiao Art Market malapit sa hilagang kanlurang sulok ng Temple of Heaven.
Marahil ay napuntahan na ninyo ang iba pang tourist spot ng Tsina at nakakita na ng maraming nakakawiling kakaibang bagay, pero sigurado na kung alam ninyo ang tamang pamilihan sa isa sa maunlad na bisinidad ng Beijing, makakabili kayo roon ng gayon ding bagay sa napakamurang halaga. Kung may panahon pa kayo, huwag ninyong kalimutang dumalaw sa Friendship Store ng Beijing. Maraming suki ang mamimili roon kahit medyo mahal, dahil ang katuwiran nila, nakatitiyak naman sa kalidad ng mga paninda.
Ang Beijing ay isa ring lunsod ng mga kahangahangang restawran, pero ang ilan sa mga pinakakilalang pagkain doon na hindi pa natitikman ni Mike ay iniluto para sa kanya bilang isang kaibigan o miyembro ng pamilya. Lahat halos ng gusto ninyong kainin sa Tsina ay matatagpuan anya ninyo sa Beijing. Hindi lamang bawat lalawigan at halos bawat pangunahing distritong kinakatawan ng lutuin nito, kundi maging ng paborito niyang jiachangcai, na ang ibig sabihin ay lutuing pambahay sa Beijing.
Kung maikling panahon lang ang ipamamalagi ninyo sa Beijing, huwag kayong matakot na madagdagan nang kaunti ang iyong timbang. Tikman ninyo ang roast duck ng Beijing o ang alley way cafes at para sa mga street food, inirerekomenda niya ang kilalang jianbing, isang klase ng balat ng crepe na sinasahugan ng itlog at iba pang mga sahog. Mangyari pa'y sabay ang paglagok niya ng paborito niyang beer, ang Yanjing, sabi niya tiyakin ninyo lamang na kulay brown na bote ang maibibigay sa inyo.
Kung dadalaw kayo sa Tsina, dapat talaga ninyo dalawin ang Beijing. Kung minsan, makakaramdam kayo ng pagkabagot, pero matutuklasan ninyong karapat-dapat itong bisitahin. Kapag nakauwi na kayo sa bahay kasama ang kakaibang karanasan at maraming kuwentong maibabahagi ninyo sa iyong pamilya at mga kaibigan.
|