• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-20 18:06:51    
Pagkain sa Wuzhen

CRI
Ang bayan ng Wuzhen na wala pang dalawang oras kung bibiyahehin mula sa lunsod ng Shanghai ay may ipinagmamalaking pagka-sinauna at gayuma ng bantog na Zhouzhuang watertown, na kataka-takang nananatiling hindi man lang nasisilayan ng mga turista, lalo na ng mga turistang dayuhan.

Ang mga sinaunang daungan, mga pabilyon sa tabing-tubig at mga pasilyong umaabot nang ilang milya ang layo ay lumilikha ng kapaligirang pagkakakilanlan na lubhang tipikal ng mga watertown sa timog ng Ilog Yangtze--ang perpektong lugar para sa isang tahimik na retreat.

Masarap ang iba't ibang pagkain sa Wuzhen. ang Hanlin Fudi Restaurant na malapit sa pangunahing shopping area ng Wuzhen ay inirerekomenda para sa panangahalian. Ang "Tipang", isang pata ng baboy na pinasingawan muna bago iniluto sa kawali kasama ng katakam-takam na sarsa at mga pampalasa ay hindi maiiwasang tikman ninuman.

Ang "Xiao Baoyu", isang malamig na putahe ng pinirito't burong isda ay isang masigid na kapares ng may di-pangkaraniwang tapang na "Chou Doufu" o maamoy na tahuri.

Ang espesyal na panghimagas ng alinmang pagkain sa bayan ay ang "Jiuniang Yuanzi", isang may matapang na lasa at matamis na paghahalo ng bukod-tanging alak at malagkit ng bayan.

Bukod sa kasiyahan sa katawang dulot ng mga pagkain at inumin, meron ding maliliit na tindahang mag-aalok ng mumurahing alahas na magbibigay ng maraming sorpresa sa mga mahilig sa pamimili. Sa kahabaan ng East Road at Xinhua Road, matatagpuan ng mga naghahanap ng mga bagay na maituturing na hiyas si Huang Yanxin, isang artistang lokal na nagbebenta ng mga madetalyeng dibuho ng Wuzhen. Ipinaliwanag ni Huang na ang matandang katangian ng bayan ang pumukaw sa kanyang damdamin ng kabataan kung saan niya nakuha ang kanyang malaking inspirasyon.

Sa dakong dulo ng daan, matatagpuan naman ang Dating Tirahan ni Mao Dun (1896- 1981). Si Mao Dun na isang matalik na kaibigan ni Soong Ching Ling, ay isa sa mga naging unang miyembro ng Partido Komunista noong 1921.

Hindi gaanong malayo sa tirahan ni Mao Dun, naroroon naman ang Flower-printed Blue Cloth Workshop na ang telang hinahabi sa kamay ay tinitina sa mga paraang tradisyonal. Hindi mapigil ng mga bisita ang bumili ng kahit isang bagay na ginawa mula sa telang itong magagamit sa anumang panahon.

Sa tag-init ng taong ito, ang bayan ng Wuzhen ay isang perpektong patutunguhan para sa mga manlalakbay na naghahanap ng bagay na naiiba.