• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-26 15:02:31    
Spring Festival: mga mensaheng pambati mula sa mga kaibigan

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007. Inuulit ko an gaming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagpadala ng mensaheng pambti sa okasyong ng Kapistahang Pantagsibol ng Tsina. Hindi namin makakalimutan ang inyong pagiging maaalalahanin. God love you all...

Ang mga liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay buhat kina Diana Infante ng Congressional Road, Quezon City at Manuela Abesamis ng Cainta, Rizal.

Sabi ni Diana:

Kuya Ramon,

Happy New Year at Happy Valentine's Day (belated). Ok ba ang dating ng Year of the Pig? Masuwerteng hayop daw ang baboy pero hindi ko alam kung bakit iyong mga iba ayaw dito. Naaalala mo ba si Babes? Ayun iyon, eh.

Anyway, para sa iyo, sana buong taon lagi kang malakas at malusog. Para China naman, well, patuloy na kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan at sa mundo na batbat ng kaguluhan, katahimikan.

Iyong Gabi ng Musika mo sa 7.180 mghz ko pinakikinggan, sa 10:30 ng gabi. Mga 80% na maganda ang signal. Magaganda ang jazz selections mo. Karamihan ay mga paborito ko pa nga. Magaganda rin ang laman ng inyong news at current affairs. Karapat-dapat na pakinggan ang part na ito ng inyong transmission. Hindi ko pa nararanasang manalo sa inyong knowledge contests. Sana manalo ako this time. Ito lang ang advantage ng inyong paligsahan. Natututo rin ang listeners.

Gusto ko sanang mag-request ng picture mo, kuya.

Hanggang ditto na lang.

Bye bye for now.

Love and care,
Diana Infante
Congressional
Road, Proj. 8
Quezon City

Thank you, Diana, sa iyong magandang hangarin para sa amin. Ganoon din naman ang hangad naming para sa iyo at iyong pamilya. Keep in touch and God love you.

Bago tayo dumako sa ikalawang liham, tingnan muna natin kung ano ang laman ng SMS ng ating textmates...

Mula sa 9282782690, kay Randolph Empredo ng Baguio City: "Xin Nian Kuai Le! Happy Chinese New Year diyan sa inyo sa China. Sana maging masuwerte at masaya ang Year of the Pig para sa lahat ng mga nasa Serbisyo Filipino. I wish you all good health and prosperity."

Mula naman sa 9196811659: "Happy Chinese new Year sa lahat ng mga kaibigan sa Beijing! Meron bang hapi-hapi?

At mula naman sa 9158075559: "Ano ba ang karaniwang handa kung Chinese New Year? May tikoy sigurado."

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng sulat ni Manuela.

Dear Kuya Ramon,

Bago ang lahat, T.Y muna sa scarf na regalo mo sa akin sa birthday ko. How sweet of you naman.

Bago itong scarf na ito nay natanggap din akong presents mula sa Filipino Service: CD ni Jacky Cheng, malaking panyolito, table calendar, paper-cuts, bookmarks at table cloth.

Gusto kitang papurihan sa efforts mo na mapasaya ang iyong mga Kababayan sa pamamagitan ng iyong mga programa sa radio at sa pakikipag-communicate mo sa kanila sa pamamagitan ng sulat. Ang sipag mo palang sumulat. Sana ganiyan din ako.

Naka-ready na iyong request mong recording ng isang Friday program mo. Ipapadala ko na lang sa iyo. Wala kang aalalahanin. Maliit na bagay lang ito. Okay naman ang inyong transmission sa 7.i80 mghz. Tulad din sa 11.700, may problema din kung hindi maganda ang weather condition.

Enclosed ditto ang mga sagot ko sa inyong Paligsahang Pangkaalaman: Sichuan- Lupang Tinubuan Ng Giant Panda.

Sorry, kuya, hindi kita napadalahan ng card noong birthday mo. Hindi ko nakakalimutan ang araw na iyon.

Okay, siguro tama na muna ito para sa ngayon.

Iyong request kong kanta huwag mong kalimutang patugtugin sa Gabi Ng Musika.

Loving you,
Manuela Abesamis
Cainta, Rizal, Phils.

Maraming-maraming salamat, Manuela, sa patuloy mong pagsubaybay sa aming mga programa. Sana mapanalunan mo ang special prize n gaming kasalukuyang knowledge quiz. Ipadala mo na ang mga sagot mo. Salamat uli at regards to your family circle.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinablik...