Kapag skiing ang pag-uusapa'y lagi nang maaalaala ng mga tao ang nagtatayugang maniyebeng bundok ng Switzerland. Sa katunayan, ang skiing, bilang isang wika nga ay "class" na libangan ay walang dudang lumalaganap din sa Tsina. Ang Yabuli ay ang may pinakamalaking skiing ground sa Asya at nagiging magandang destinasyon ng mga turista't mahilig sa skiing na Tsino't dayuhan sa taglamig.
Ang Yabuli ay nasa dakong hilagang silangan ng Lalawigan ng Heilongjiang ng Tsina. May klimang kontinental doon, mahaba ang panahong may niyebe, may magandang "snow resources" at ang dalisdis at lalim ng bundok ay pawang nababagay sa skiing. Kamakailan lamang ay nagtayo roon ng tourist skiing lane para sa mga baguhan. Sa ngayon, ang Yabuli ay may mahigit 10 skiing lane na may kabuuang habang 30 kilometro, kabilang na rito ang isang mahigit 2000 metrong lane na siyang pinakamahaba sa mundo na may drop height na mahigit 500 metro.
Tatlong oras lamang ang takbo ng sasakyan sa Yabuli mula sa Harbin, punong lunsod ng Lalawigan ng Heilongjiang. Ang buong Yabuli ay nagmimistulang daigdig-engkantada na nakabilad sa maliwanag na sinag ng araw. Nakakalat sa gitna ng lambak ang ilang nagsasariling maliliit na bahay bakasyunan, may mga estilong Europeo o estilong Ruso; may yari sa tisa at may yari sa tabla. Ang naturang mga bahay bakasyunan ay napipinturahan ng sari-saring matitingkad na kulay na sa aninag ng mapuputing niyebe'y higit na nagiging kaakit-akit. Lalo na ang ilampung windmill na may katangaiang Olandes sa Nayon ng mga Windmill ay higit na nagdagdag sa Yabuli ng kapaligirang tulad ng sa ibang bansa.
Ang skiing lane No.1 sa primary skiing ground ay may habang mahigit 1000 metro at lawak na mahigit 30 metro at marahan ang dalisdis. Ito ang pinakasimpleng skiing lane sa Yabuli.
Karamihan sa mga turista sa Yabuli ay mga dayuhan, marami sa mga bisita'y mga Ruso, Suweso at Amerikano. Nagustuhan nila dito, sapaglat anila'y may kainaman ang kalidad ng niyebe at ang skiing lane dito.
Sa tingin ng mga nag-iisking, mahusay na mahusay ang lugar na ito. Napabilang ito sa primera klaseng skiing ground sa Tsina. Umakit ito ng maraming tao taun-taon. Ang Yabuli ay naghahanap din ng pakikipagtulungan sa ibang bansa para mapaganda pa ang serbisyo nito. Ang delegasyon ng Switzeland ukol sa pagpaplano at pagtatayo ng skiing ground ang bumisita kamakailan sa Yabuli at nagkasundo ang dalawang panig na maghati sa puhunan sa pagbubukas ng sampu pang skiing lane, pagtatayo ng tatlong bagong cableway at isang Sino-Swiss Skiing School. Sa sandaling magawa na ang mga ito'y tiyak na higit na magiging marami pa ang bilang ng mga nag-i-skiing.
|