• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-02 13:35:46    
American Art Exhibition for 300 Years, itinanghal sa Beijing

CRI
Ang "American Art Exhibition for 300 Years" na kasalukuyang itinatanghal dito sa Tsina ay kauna-unahang malaking eksibisyon na komprehensibong nagpakita ng kurso ng pag-unlad ng sining ng Estados Unidos, at ito rin pinakamalaking eksibisyong Amerikano sa Tsina hanggang sa kasalukuyan. Nitong ilang araw na nakalipas, mainit ang reaksyon ng mga manonood.

Pinagtipun-tipon ng eksibisyong "American Art for 300 Years: adaptation and reform" ang mahigit 130 obrang pansining ng halos 120 alagad ng sining na may mahalagang katayuan sa kasaysayang Amerikano, at sumaklaw ito sa iba't ibang yugtong historikal nitong tatlong daang taong nakalipas mula noong siglo ng kolonya ng North America hanggang sa kasalukuyang Estados Unidos, at komprehensibong inilarawan nito ang kurso ng pag-unlad ng sining ng bansang ito. Ayon sa salaysay, ang eksibisyong ito ay idinaos dito sa Tsina bilang tugon sa eksibisyong "Chinese Civilization for Five Thousand Years" na itinanghal ng Tsina sa Estados Unidos noong 1998. Sa seremonya ng pagbubukas, bumigkas ng talumpati si Sun Jiazheng, Ministro ng Kultura ng Tsina. Sinabi niya na:

"Katulad ng pag-asa ng mga mamamayang Amerikano sa eksibisyong 'Chinese Civilization for Five Thousand Years', sa mula't mula pa'y inaantabayan naman ng mga mamamayang Tsino ang 'American Art Exhibition for 300 Years'. Taglay ng sining ang damdamin, at ang kultura naman ay tulay ng diwa. Nananalig akong makakapagpahigpit ng pagkaunawa ng mga mamamayang Tsino sa Estados Unidos."

Napag-alaman, pagkaraang walong-taong paghahanda, nakakolekta ang eksibisyong ito ng mga itinatagong obra-maestra ng ilampung Europeo at Amerikanong museo at organong gaya ng Solomon R.Guggenheim Foundation of New York at Terra Foundation for American Art of Chicago. Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Clark Thorp Randt, embahador ng Estados Unidos sa Tsina na naging walang katulad ang pangongolekta ng mahigit isang daang obrang pansining sa iba't ibang purok ng daigdig para maidaos ang eksibisyong ito. Isinalaysay niya na:

"Itinatanghal ng eksibisyon ang mga obra mula noong ika-17 siglo ng panahon ng kolonya hanggang kontemporaryong panahon at noong ika-8 dekada na kinabibilangan ng mga obra ng modernong globalisismo, at ipinakikita nito ang sari't saring mayamang kulturang Amerikano, at mayroon itong espesyal na pananaw na tinutulungan ang mga taong malaman ang direksyon ng pag-unlad ng Estados Unidos at ang dahilan kung bakit naging katangi-tangi nito sa iba."

SUNDAN sa ika-9 ng Marso