• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-04 17:50:24    
Sistema ng kongresong bayan ng Tsina, pundamental na sistemang pulitikal para sa paggamit ng mga mamamayan ng karapatan

CRI
Idaraos bukas sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, pinakamataas na organo ng kapangyarihan ng bansa. Sa sesyong ito, itatakda ang mga target at tungkulin ng pag-unlad ng Tsina sa kasalukuyang taon at susuriin at pagbobotohan din ang mga burador na batas na may mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Ayon sa tadhana ng Konstitusyon ng Tsina, ang mga mamamayan ang may-ari ng lahat ng mga karapatan ng bansa at ang Pambansang Kongresong Bayan at mga lokal na kongresong bayan ay mga organo kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang pambansang karapatan. Bilang miyembro ng NPC, may karapatan ang mga kinatawan ng NPC na namamahala sa mga suliraning pang-estado, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura.

Si Wu Ailing, isang medical worker, ay kinatawan ng NPC mula sa Lalawigan ng Sichuan sa timog kanlurang Tsina. Mula noong 2003, pagkaraang isagawa ang mga pagsisiyasat at pag-aaral sa lokalidad, iniharap niya sa NPC ang isang mungkahi hinggil sa pagpapahigpit ng pagpigil at pagkontrol sa schistosomiasis. Ipinatupad ni pangalawang premyer Wu Yi ng bansa ang mungkahing ito. Isinalaysay ni Wu Ailing na,

"Nitong ilang taong nakalipas, lumalala ang epidemiya ng schistosomiasis sa Lalawigan ng Sichuan, kaya iniharap ko ang naturang mungkahi. Pagkatapos, pinanumbalik ng bansa ang leading group hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa sakit na ito na pinamumunuan ni pangalawang premyer Wu Yi. Bumalangkas ang bansa ng mga may kinalamang patakaran at naglaan din ng mga pondo. Salamat dito, napigil ang epidemiya ng schistosomiasis sa aming lalawigan."

Ang lahat ng mga kinatawan ng kongresong bayan ay inihahalal ng mga mamamayan, kaya kumakatawan sila ng kapakanan ng publiko. Sa pamamagitan nila, inihaharap sa mga departmento ng pamahalaan ang mga isyu at problema sa gawain at pamumuhay ng mga mamamayan para malutas at nagsusuperbisa rin ang mga kinatawan sa kalagayan ng paglutas sa mga isyu. Ang mga ito ay itinatadhana ng sistema ng kongresong bayan, pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina. Kaugnay nito, sinabi ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng NPC na,

"Sa pamamagitan ng sistema ng kongresong bayan, buong higpit na humahawak ang mga mamamayang Tsino ng kinabukasan at kapalaran ng bansa at nasyon. Ang mga kinatawan ng kongresong bayan ay galing sa iba't ibang lugar at sirkulo ng bansa at sa ngalan ng mga mamamayan, ipinasisiya nila ang mga mahalagang suliranin ng bansa at lokalidad. Ang organong administratibo, organong hudisyal at organong prokuratoriyal ng Tsina ay hinihirang ng NPC at ipinasasailalim ang mga ito sa superbisyon ng NPC."

Ibinigay ni Zhang Chunsheng, isang huristang Tsino, ang buhay na paliwanag sa esensya ng sistema ng kongresong bayan. Anya,

"Ang kasalukuyang populasyon ng Tsina ay mga 1.3 bilyon. Dapat may isang angkop at maisasagawang paraan para gamitin ng kalaking bilang ng tao ang pambansang karapatan. Ang sistema ng kongresong bayan ay isang mabuong sistema ng kapangyarihan ng Tsina na ang nukleo ay kongresong bayan."

Sa kasalukuyang taunang sesyon na idaraos mula bukas hanggang ika-16 ng buwang ito, pakikinggan at susuriin ng mga kinatawan ang government working report, susuriin at pagbobotohan ang mga burador ng Batas sa Karapatan sa Ari-arian at Batas sa Income Tax ng Bahay-kalakal at ihaharap din nila ang mga proposal at mungkahi hinggil sa mga mainitang isyu at isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.