• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-05 19:00:27    
Braised Black Mushrooms--favorite of overseas Chinese

CRI
Magandang-magandang gabi Cooking Show fans. Katatapos pa ang Spring Festival o Chinese New Year kaya medyo mag-isip-isip na rin tayo ng mga espesyal na putaheng angkop na ihanda sa okasyong ito.

Sinadya nmin ang Nene's Carinderia na pag-aari ni Aling Nene de la Cruz. Ang establisyementong ito na matatagpuan sa Chinatown ay kilala sa mga lutuing Tsino.

Alam niyo tinawag lang itong karinderya pero kung tutuusin ito ay isang classy restaurant. Katamtaman lang ang laki pero maaliwalas ang dating. Sabi nga ng mga Chinese customer: "cool na cool ang dating".

Nabanggit kanina ni Aling Nene ang hinggil sa isang Chinese food na angkop na angkop para sa nalalapit na Chinese New Year. Marapat lamang aniya na ibahagi niya ito sa lahat ng mga tagapakinig ng programang ito.

Narito si Aling Nene...

Oo nga naman. Ngayon ko lang na-realize na hugis-payong nga pala ang kabute at ang hugis na ito ng mushroom cap ay sumasagisag sa payong na tumatakip sa ulunan ng isang pamilya at mahigpit na naglalapit sa mga miyembro nito. Nakita niyo na, hindi lang food for the stomach, food for the brain pa. Ngayon, tingnan natin kung ano ang kakailanganin sa paghahanda ng Braised Black Mushrooms...

O, makinig kayo, uulitin ko:

16 na piraso ng malaki makapal at tuyong kabute
2 kutsarang mantika
4 na butyl ng bawang, tinadtad ng pino
1.5 kutsara ng malabnaw na soy sauce
1 kutsara ng malapot na soy sauce
0.5 kutsarita ng sesame oil

Sabi ni Aling Nene, ang pipiliin daw ninyong kabute ay iyong ang kulay ay matingkad na itim. Huwag daw kayong kukuha ng light-colored variety.

Ok, naritong muli si Aling Nene para sa paraan ng pagluluto...

Maraming salamat po Aling Nene sa inyong pagpapaunlak sa amin.

Iyan, narinig ninyo si Aling Nene sa kaniyang pagpapakitang-luto ng Braised Black Mushrooms.

Naritong muli ang paraan ng pagluluto:

a. Hugasan nang mabuti ang mushrooms tapos ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.
b. Salain pero huwag itatapon ang likidong dumaan sa salaam. Itabi ito para mamaya
c. Mag-init ng mantika sa kaserola (kung may palayok mas maige), tapos igisa ang bawang at luya hanggang maging ginintuan ang kulay.
d. Isama ang sinalang mushrooms at halu-haluin sa loob ng ilang minuto.Ibuhos ang dumaan sa salaang likido bago lagyan ng malabnaw at malapot na soy sauce.
e. Takpan nang mabuti at ilaga sa loob ng dalawang oras. Habang nilalaga laging tingnan kung natutuyo ang likido at kung kailangan dagdagan ng tubig.
f. Wisikan ng sesame oil bago isilbi.

Meron pa tayong kaunting oras. Bigyang-daan natin ang bahagi ng liham ni J. Marikit de Leon ng Paranaque...

"Dear Everyone... Congrats to your Cooking Show. I know ito ngayon ang inaabangan ng mga listeners sa Hong Kong at Saudi--also from the Philippines. I think ang main idea nito ay galing kay Ramon Jr. I found him very creative. It shows in his letters. Idagdag pa rito ang husay niya sa pagdadala ng program..."

Thank you so much, Marikit. At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakkikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.