• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-08 19:08:46    
Ang Pingluo ng Ningxia, paraiso ng mga ibon

CRI

Ang bayan ng Pingluo ng rehiyong awtonomo ng Ningxia sa dakong hilagang kanluaran ng Tsina ay may maraming salina at latian. Nitong halos 10 taong nakalipas, pinalalakas ng Pingluo ang pagsasaayos sa nasabing mga salina at latian at buong sikap na pinauunlad nito ang ekolohikal na pangingisida. Bumuti nang malaki ang kapaligirang ekolohikal doon at nakaakit ng maraming maiilap na ibon sa tagalamig. Sa artikulong ito, isasalaysay ko sa inyo ang bayang ito – paraiso ng mga ibon.

"Dati, ang mga lugar na ito ay puno ng salina. Nang humihip ng malakas na hangin, nagkakaroon doon ng malakas na alikabok. Ngunit, sapul nang makahukay kami ng lawa dito, naging napakaganda ng klima, kapaligiran at iba pa."

Ang nasabing ay sinabi ng magsasakang si Zhang Yubiao ng bayan ng Pingluo. Noong 1990, sinimulan niyang mag-alaga ng isda. Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng buong pamiliya, magkakasunod na bumago siya ng ng mahigit 30 hektaryang salina at maliit na lawaan sa pagiging fishpond. Lumaki rin ang kita ng kaniyang pamiliya. Nitong ilang taong nakaliaps, mas maraming magsasakang gaya ni Zhang ang sinimulang mag-alaga ng isida sa mga salina at maliit na lawaan. Kasunod ng walang humpay na paglaki ng lawak ng mga fishpond, naging mas maganda ang kapaligirang ekolohikal doon at nakaakit ng maraming ibon na naninirahan doon. Maging sa tagalamig, makikita ninyo ang maraming ibon na lumipad-lipad sa himpapawid. Lumitaw ang isang masaganang kalagayan sa lugar na ito sa lahat ng 4 na panahon ng buong taon.

Ngunit, dati, hindi tinanggap ng mga magsasaka ang mga ibon dahil nangamba silang kumain ng labis na maraming isda ang mga ibon na magdudulot ng kapinsalang pangkabuhayan sa kanila. Noong ilang taong nakalipas, lubos na pinahalagahan ng Pingluo ang pangangalaga sa mga maiilap na ibon at isinagawa nito ang maraming aktibidad bawat taon para malaman ng publiko ang kahalagahan ng yamang-ibon. Walang humpay na tumataas ang kamalayan ng mga magsasaka sa pangangalawa ng mga ibon. Sinabi sa mamamahayag ni Zhang na sa kasalukuyan, itinuturing na kaibigan ng mga magsasaka ang mga ibon. Dahil sa magandang kapaligiran at masaganang pagkain, naging paraiso ng mga ibon ang Pingluo. Noong taglamig, mahigit 20 libong migratory bird ang naiwan doon.

Mayaman ang likas na yaman ng Pingluo, umabot sa mahigit 8.6 libo hektarya ang lawak ng mga magagalugad na lawa at latian nito. Sa kasalaukuyan, karamihan sa mga ito ang nagalugad at nagamit. Isinalaysay ni Ren Yongbin, pangalawang puno ng kawanihan ng aquaculture ng Pingluo na:

"Iniharap ng aming bayan na dapat paunlarin ang ekolohikal na pangingsida. Pinalaki ang mga maliit na lawaan at nagtanim ng mga tambo, lotus at iba pang economic aquatic plants sa paligid at gitna ng mga lawa. Ito ay hindi lamang nagpabuti sa kapaligirang ekolohikal, kundi nagpalaki din sa added value ng pangingisda at nagpataas sa interes ng mga magsasaka."

Ayon sa kontrata, ang 48 taong gulang na si Tian Xinjiang ay nagpaunlad ng aquaculture sa 17 hektaryang lupang tiwangwang. Dahil dito, walang humpay na lumalaki ang kaniyang kita. Binabalak pa niyang itatag ang sentro ng pamimingwit at bird observing station sa paligid ng kaniyang mga fishpond para mapaunlad ang industriyang panturistang pantahanan. Sinabi niyang:

"Sa kasalukuyan, kasunod ng pagpapalawak ng mga lawaan, lumalaki din ang bilang ng mga ibon. Mapayapang namumuhay ngayon ang mga tao at ibon. Umaasa kaming magiging mas maganda ang kapaligiran."

Totoo nga, makikita mo saan man sa Pingluo ang tanawing may harmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan. Palagiang makikita mong maraming kawan ng ibon: may nagpapahinga at may nagsasaayos ng kanilang balahibo. Nang dumaan doong pinagtitipunan ang mga tao, pumipigil sila ng hininga para hindi biglain ang mga ibon.