• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-12 16:47:26    
Marso ika-5 hanggang ika-11

CRI
Nagpalabas noong Lunes ng editoryal ang pahayagang "Universal Daily News" ng Pilipinas at "Asia News Time" ng Thailand na nagbibigay ng positibong pagtasa sa pagdaos ng dalawang sesyon ng NPC o Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at CPPCC o Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Anang editoryal, pahalaga nang pahalaga ang papel ng NPC at CPPCC sa pamumuhay na pulitikal ng Tsina at ipinakikita ng sistema ng kongresong bayan at konsultasyong pulitikal ang diwa ng mga mamamayang Tsino na naging panginoon sa mga suliranin ng bansa.

       

Nagpadala noong Biyernes ng mensahe si Li Zhaoxing, ministrong panlabas ng Tsina kay Hassan Wirayuda, ministrong panlabas ng Indonesya bilang pakikiramay sa grabeng kasuwalte at kapinsalaan ng ari-arian na dulot ng lindol at plane crash sa Indonesya. Naganap kamakalawa ang malaking lindol sa hilagang kanluran ng Sumatra ng Indonesya na ikinamatay ng di-kukulanging 82 at ikinasugat nang ilang daan katao. Biglang sumabog ang isang eroplanong pampasahero habang lumalapag ito sa paliparan sa lunsod ng Yogyakarta sa gitna ng Indonesya na ikinamatay ng di-kukulanging 21 tao.

Mula ngayong araw hanggang Miyerkules ng linggong ito, magtatanghal sa kabiserang Beijing at Lunsod ng Jinan sa dakong silangan ng Tsina ang kauna-unahang pangkat na pansining na binubuo ng mga etnikong Tsino sa Indonesiya. Ang naturang grupo ay binuo ng mahigit 200 etnikong Tsino sa Indonesiya, at ipapalabas nila ang lokal na awit at sayaw para i-promote ang kultura at turismo ng Indonesiya sa mga mamamayang Tsino. Ang Ministrong kultural at ministrong panturista ng Indonesiya ay sasama sa pangkat na ito. Noong Araw ng Linggo, nakipagtagpo sa Beijing sa pangkat na ito si Xu Yousheng, pangalawang puno ng China Overseas Exchanges Association.

Napag-alaman noong Miyerkules ng mamamahayag mula sa tanggapan sa Xiamen ng Air Asia ng Malaysia na mula sa ika-25 ng buwang ito, ang flight sa pagitan ng Xiamen at Bangkok ng Air Asia ay daragdag sa 7 mula kasalukuyang 4 bawat linggo. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Air Asia na dahil walang humpay na dumarami ang mga turista na naglalakbay sa pagitan ng Bangkok at Xiamen, para makatugon sa pangangailagnan ng pamilihan, ipinasiya ng Air Asia ang pagdaragdag ng flight.

Isinalaysay noong isang linggo ni Xiao Jiangang, puno ng kawanihan ng turismo ng rehiyong autonomo ng Guangxi , noong nakaraang taon, may mahigit 1.67 milyong turistang dayuhan ang bumisita sa Guangxi dahil nabighani sila ng matulaing tanawing sa purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Noong nakaraang taon, sinimulan ng Guangxi ang komprehensibong pagpapalalim ng pakikipagkooperasyong panturista sa Biyetnam, Malaysia, Thailand, Singapore at iba pang bansa. Sa hinaharap na ilang taon, lalo pang pabibilisin ng Guangxi ang pakikipagkooperasyong panturista sa Asean, magkasanib na pasusulungin nila ang pandaigdig na liniyang panturista.