• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-19 19:17:38    
Ano ang kanilang sinasabi hinggil sa NPC at CPPCC

CRI
Ang mga tinig sa kabilang linya ng telepono na maririnig ninyo sa bahaging ito ng ating programa ay mula sa matagal nang mga tagapakinig ng Serbisyo Filipino at pawang nagpapahayag ng malaking paghanga sa NPC at CPPCC at nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa katatapos na sesyon at komperensiya ng mga nabanggit na lehislatura at kapulungan.

Sa pag-uusap naming sa telepono, sinabi ni super DJ Happy na matagal na rin niyang sinusundan ang mga pagpupulong ng NPC at CPPCC at mahigpit na pinagtutuunan niya ng pansin ang positibong attitude at diwa ng pagtutulungan ng mga ito na siya namang dahilan kung kaya't malaki ang nagagawa nila para sa bansa...

Matagal ko na ring sinusubaybayan itong mga development hinggil sa National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference. Ang isang bagay na maganda sa mga ito ay hindi sila politicalized kundi politicized. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin? Mas mahalaga sa kanila ang pag-unlad ng kabuhyan ng bansa at pagtaas ng standard of living ng mga tao kaysa kanilang mga sarili at kinaaanibang partido. In other words, ang loyalty sa mga mamamayan at sa bayan ang nangunguna sa lahat. Tapos umiiral pa sa kanila ang spirit of cooperation kaya walang nasasayang na oras.

Sabi naman ng OCW na si Willy de la Cruz, ang mga mamamayan ng ibang bansa ay lihim na humahanga sa NPC at CPPCC ng Tsina. Marami aniya siyang katrabahong dayuhan sa Saudi Arabia at datapuwa't hindi sila gaanong vocal hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa NPC at CPPCC, kapag napag-uusapan ang mga ito, nababasa niya sa kanilang mga mata ang kanilang paghanga...

Ang outside world ay secret admirer ng NPC at CPPCC. Alam kasi ng mga mamamayan ng ibang bansa na hindi natatapos ang conferences ng dalawang organ na ito nang walang nare-resolve na mahalagang issue. Isa pa, ang COPPCC at NPC, bilang mga consultative at legislative body, ay very efficient.

Matagal na ring nakikinig sa Serbisyo Filipino ang OCW na si Fritz Baylon ng Riyadh, Saudi Arabia at matagal na rin niyang naririnig ang NPC at gawaing lehislatibi nito. Masuwerte aniya ang mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon ng mga tapat na kinatawan ng kongreso...

Matagal ko nang naririnig itong National People's Congress ng China at mga legislative work nito. Ang masasabi ko lang ay masuwerte kayo diyan sa China sa pagkakaroon ninyo ng tapat at pragmatic na congress na ang atensiyon ay laging naka-pokus sa pagpapataas ng standard of living ng mga tao.

Sa telephone conversation naman naming ni La Trixia, sinabi niya na ang Pambansang Kongresong Bayan ay blessing sa Tsina at ang NPC at CPPCC ay karapat-dapat sa tiwala at respeto ng mga mamamayan...

Ang National People's Congress ay blessing para sa China at sa mga mamamayang Tsino. Ito ay magbibigay-daan para sa realization ng harmonious society. At ang CPPCC at NPC ay karapat-dapat sa tiwala at respeto ng mga Chinese at non-Chinese. Bakit ka ninyo? Kasi seryosohang pinagtutuunan nila ng pansin ang mga isyung direktang nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga tao na tulad ng intellectual property right, communicable disease, education at iba pa.

Salamat sa inyo, Happy, Willy, Fritz at La Trixia.

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng mga SMS ng ating textmates.

Mula sa 9278635020: "Kuyang, walang katulad ang inyong NPC at CPPCC"

Mula sa 9204344249: "Greetings sa NPC at CPPC, mga tunay na lingkod-bayan at mahal ng mga mamamayan."

At mula naman sa 9178493366: "NPC at CPPCC, tsampiyon ng masa."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng liham ni Jane Bacani ng Singapore...

Dear Filipino Service:

Greetings sa inyong lahat!

Maganda ang signal ninyo these days kaya alam na alam ko ang takbo ng meetings ng inyong kongreso at pati consultative assembly.Marami silang tinalakay na mahahalagang bagay patungkol sa mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng mga tao.Binabati ko kayo. Tama ang sabi nila:Ang NPC at CPPCC ay mga tapat na kinatawan ng lahat ng sector ng lipunan.

Sa inyong mga balita ko rin natutunghayan ang pagsisikap ng inyong gobyerno na mapaganda ang inyong kapaligiran para sa mga darating na henerasyon.

Kung magpapatuloy ang inyong magandang serbisyo sa mga tagapakinig, darami nang darami ang inyong audience.

Alam ko na marami kayong sinusulatan pero sana magkaroon kayo ng panahon para sa sulat ko.

Nagmamahal,
Jane Bacani
West Coast Way
Singapore

Salamat, Jane, sa iyong liham, remarks hinggil sa NPC at CPPCC at sa patuloy mong pakikinig sa aming mga balita at iba pang programa. May sagot na ako sa iyong sulat. Ipapadala ko na lang. Salamat uli, regards to your family and God Love You.

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinablik.