• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-20 20:22:20    
Smoked fish in five flavors

CRI

Mga sangkap

500 gramo ng gitna ng isdang tubig-tabang
1000 grmao ng mantika (100 gramo lamang ang makukunsumo)
85 gramo ng shaoxing wine
50 gramo ng toyo
30 gramo ng asukal
5 gramo ng scallion na hiniwa-hiwa nang pino
2.5 gramo ng hiniwa-hiwang luya
1.2 gramo ng fennel
1 gramo ng five-flavor powder

Paraan ng pagluluto

Hiwa-hiwain ang isda sa pirasong 1 sentimetro ang lapad. Gamitin ang 25 gramo ng toyo, 35 gramo ng shaoxing wine at fennel para i-marinate sa isang mangkok ang isda sa loob ng dalawang oras. Hanguin ang isda mula sa mangkok at ilapag nang pantay para matuyo. Alisin ang mga pampalasa para gamitin mamaya.

Ibuhos sa kaldero ang sarsa na dulot ng pagmamarinate sa isda. Lagyan ng nalalabing shaoxing wine, toyo, asukal, scallions at luya at pakuluin. Sagapin ang bula at patayin ang apoy.

Initin sa kawa ang mantika sa temperaturang 200 hanggang 220 degree centigrade. Igisa ang mga piraso ng isda at hanguin pagkaraang maging kulay brown. Pagkaraan ng dalawang minuto, kapag bumaba ang temperatura ng mantika sa 200 hanggang 220 degree centigrade, igisa muli ang mga piraso ng isda hanggang maging malutong sa labas. Ilagay ang mga piraso ng isda sa kaldero na may sarsa at haluing mabuti para ganap na sipsipin ng isda ang sarsa. Alisin pagkaraan ng 2 hanggang 3 minuto. Isalin sa plato. Tapos, wikisan ng sarsa at sabugan ang five-flavor powder. Isilbi.

Katangian: malutong sa labas at malambot sa loob ng isda.

Lasa: maalat at kaunting matamis.