• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-26 18:21:04    
Nayong Li at Nayong Huayang, mabilis na umuunlad

CRI

Mula sa ika-19 ng Marso

Sa pamamagitan ng magkasamng pagsisikap, umuunlad sa takdang saklaw ang industriya ng Zongba ng Nayong Li at tumataas ang kinikita rito ng mga magsasaka. Ang kasalukuyang Nayong Li ay nakilala sa lokalidad bilang isang huwarang nayon. Sinabi ng taga-nayon na si Zhu Rengui na:

"Sa kasalukuyan, mainam ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng estado. Hindi dapat maging atrasado ang aming kanayunan. Nagsisikap ngayon ang bawat pamilya sa aming nayon para sa sarilinang pag-unlad. Nananalig akong magiging mas maganda ang pamumuhay ng mga magsasaka at mas mayaman ang aming kanayunan."

Ang pag-unlad ng Nayong Li ay nagpalawak sa kaisipan ng pamahalang lokal. Ipinalagay nitong ang pagpapaunlad ng may katangiang industriya sa kanayunan ay napakahalaga para sa konstruksyon ng bagong kanayunan. Kaya, pinili nito ang ilang nayon na may takdang pundasyon sa pagpapaunlad ng may katangiang industriya bilang huwaran sa konstruksyon ng bagong kanayunan at naglaan ng ilang pondo sa kanila para sa pagpapasimula ng mga may katangiang industriya.

Ang nayong Huayang na malapit sa nayong Li ay isa sa mga piniling nayon. Ang may katangiang industriya nito ay pag-aalaga ng silkworm at pagtatanim ng tsaa. Sinabi ni Yuan Mingquan, pinakamalaking tagapagtanim ng tsaa sa nayong ito na:

"Ayon sa kontrata, nagtanim ang aming pamilya ng mahigit 16 na hektaryang tsaa. Noong isang tagsibol, umabot sa 150 libong yuan ang netong kita sa pagbebenta ng tsaa."

Isinalaysay ng puno ng nayong ito na bukod sa tsaa, ang pag-aalaga ng silkworm ay isa pa ring pangunahing pinanggagalingan ng kita ng mga magsasaka. Noong isang taon, lumampas sa 600 libo ang kabuuang kita ng buong nayon sa aspektong ito. Kaugny ng bagong kanayunan, sinabi niyang:

"Ang unang malaking pangyayaring may kinalaman sa konstruksyon ng bagong kanayunan sa aming nayon ay pagtatatag ng mga lansangan sa buong nayon na pinakikinabangan ng mga taga-nayon at nakakatulong ito kapuwa sa kanilang produksyon at pamumuhay."

Sa panayam, totoong naramdaman ng mamamahayag na ang patakaran ng konstruksyon ng bagong kanayunan ay lumilikha ng isang bagong Katimugang Anhui. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng may katangiang industriya, tiyak na magiging mas maganda ang rehiyong ito.