Ipinagmamalaki ng Dalian ang maraming espasyo at plasa. Lumalakad sa kahabaan ng mga lansangan sa Dalian, nararamdaman ninyo parang pumasok kayo sa isang maluwang hardin. Nitong nakaraang ilang taon, ang mga pader na nakapaligid sa lahat ng parke ay pinalitan ng mga bakal na bakod at nang sa gayo'y makakakita ang mga tao sa mga hardin nang di kailangang pumasok.
Ang Dalian Xiwang Plaza ay sumakop ng isang maluwang lote. Nang ilipat mula plasang ito ang Bohai Brewery, gustong mag-a lot ang isang mangangalakal na dayuhan ng 100 milyong Yuan RMB para magkaroon ng karapatan ng pagtatayo ng isang gusaling komersyal sa lugar na ito. Ngunit determinado ang pamahalaang munisipal ng Dalian ng lumikha ng isang luntiang espasyo doon at ginugol ang 80 milyong Yuan RMB sa pagtatanim ng mga halaman at damo at ng isang paradahan sa ilalim ng lupa. Tumataas nang mabilis ang presyo ng arkila ng mga lote katabi ng dating Bohai Brewery at ang presyo ng arkila ng isa ay tumaas nang 100% sanhi ng magandang kapaligiran doon.
Nitong nakaraang apat na taon, nagtanim ang mga taga-Dalian ng mga punong kahoy sa at sa paligid ng limang parke, 10 plasa, 30 pangunahing lansangan at 175 purok-residensyal. Naitayo nila ang 70 parke at hardin at 364 kilometrong kuwadrado ng forest belts sa kahabaan ng baybaying-dagat. Ang luntiang purok sa lunsod na ito ay tumagdag nang 5.64 milyong metrong kuwadrado o 7 metrong kuwadrado bawat tao at ang 39% ng lunsod ay may masaganang punong kahoy na 14.6% na mas mataas kaysa 'yon ng mga may karaniwang laki o may katamtamang laking lunsod ng Tsina. Salamat sa pagkabuti ng kapaligirang ekolohikal, ang Dalian ay itinuturing ngayon sa Tsina na isang Garden City noong 1997. Pagdating ng taong 2002, madaragdagan ang isa pang 3 milyong metrong kuwadrado ng luntiang purok sa Dalian, ang purok na ito na matatakpan ng mga punong kahoy ay lalampas sa 40% ng kabuuang sakop ng Dalian at ang forestation ng Dalian ay aabot sa antas ng mga katamtamang maunlad na bansa.
Noong isang taon, ipinagdiwang ng Dalian ang 100 anibersaryo nito. Walang ibang lunsod sa Tsina ang may gayong mabigat na histori. Noong 1987, nagpadala ang Czarist Russia ng mga tropa sa Tsina at sumakop sa Lvshun, Lvshukou ngayon sa pamamagitan ng lakas ng sandata. Pagkaraan ng dalawang taon, ang Dalian ay ipinasailalim sa paghahari ng mga Czarist Russia at kolonyalistang Hapones sa halos ng kalahating siglo. Pagkaraan ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang Dalian ay nasa magkasamang administrasyon ng Tsina at dating Unyong Sobyet hanggang noong 1955 nang bumalik ang Dalian sa sinapupunan ng inangbayan.
Bilang isang lunsod na may malaking ambisyon, hindi kailanman nakakalimutan ng Dalian ang sugat nitong naiwan ng unang kalahati ng ika-20 siglo. Upang palakasin ang sence of responsibility and history at ipakita ang mga katangian nito, pinag-uukulan ng Dalian ng espesyal na pansin ang pagpapanatili ng mga gusaling historikal.
Ang Zhongshan Square ay isang politikal at pinansyal na sentro sa panahon ng paghaharing kolonyal at naroroon ang mga bangkong dayuhan at mga pasilidad na kolonyalista na kinabibilangan ng mga organisasyong administratibo, organong hudisyal at koreyo. Sa ngayon, nananatili pa sa Dalian ang siyam na building sa estilong Europeo at Hapones. Noong 1945, nang umurong ang mga Hapones sa Tsina, may 40000 biliyang Hapones sa Dalian, ngunit 20% lamang nito ang natitira ngayon. Kinumpuni ngayon ang pamahalaang munisipal ng Dalian ang 100 vilya sa lansangan ng Nanshan na bumuo ng isang unikong tanawin ng Dalian.
|