"Hari man ng Hi-C' o hindi, ang kakayahan sa pagtatanghal ng likaka sa daigdig na si Pavarotti hindi kinakailangang ipantay sa pagtatanghal ng Peking Opera, na nangangailangan ng kasanayan sa balletic at gayon din sa vocal arts..." Ito ang pagpapahalaga ni Ghaffar Pourazar ng Britanya sa kahusayang pansining na kailangan upang maging tagapagtanghal ng Peking Opera na ipinahayag niya bago umakyat ng tanghalan upang gumanag ng pangunahing papel sa kilalang operang "Monkey King Makes Havoc in Heaven". Kitang kita na nagustuhan ng nakararaming overseas audience ang pangtatanghal, na itinatanghal sa tradisyonal na paraan-kaysa ang libretto nito ay nasusulat sa Ingles.
Para sa karamihan sa mga Tsina, ang tipong ito ng pagtatanghal ay hindi maituturing na higit na "soft intro" ito kay sa Peking Opera para sa isang dayuhang manonood, dapagkat kinabibilangan ito ng mga elemento ng ibang operang lokal ng Tsina.
Sa maraming pagkakataon, tagos ang mga pagtatanghal ni Charffar. Pinapangarap niyang makipagtulungan sa mga tauhang pangkultura sa ibayong dagat upang mapalawak ang saklaw ng pagpapahalaga sa Peking Opera.
Si Ghaffar, na isang master ng computer science in three-dimensional animation, ay nakapanood sa kauna-unahang pagkakataon ng pagtatanghal ng Peking Opera na ipinalabas sa Peking Opera Theater sa London may 13 taon na ang nakaraan.
Sa pagbabalik tanaw, sinabi niyang "ito'y kahanga-hanga. Nagustuhan ko na ito sa uang tingin pa lamang." Noong panahong iyon, wala siyang kaalam alam hinggil sa wikang Tsino, pero dahil sa kanyang tabaho sa three-dimensional animation ay saka niya naliwanagan na "ang choreography ng Peking Opera ang pinaka-kahanga hanga."
SUNDAN sa ika-13 ng Abril
|