• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-10 18:23:19    
Iraq, may naganap na kontra-Amerikang demonstrasyon

CRI

Kahapon sa Najaf, banal na lunsod ng mga Shiite Iraqi, libu-libong mamamayang Iraqi ang nagdemonstrasyon na may hawak na itinataas na pambansang watawat at sumigaw rin ng mga kontra-Amerikang islogan na tulad ng "Mga tropang mananakop sa Iraq, layas!". Nang araw ring iyon sa Kufa naman, isang lunsod ng Iraq kung saan ang karamihan sa mga residente ay Sunnis, may naganap na malakihang demonstrasyon din. Sinunog nila ang bandila ng Estados Unidos bilang protesta sa pananakop ng huli sa Iraq.

Kahapon ay ika-4 na anibersaryo ng pagpapabagsak sa rehimen ni Saddam Hussein. Apat na taon na ang nakaraan, ibinuwal ng mga Iraqi ang estatuwa ni Saddam sa Sentral Baghdad bilang pagdiriwang sa pagwakas ng rehimeng diktatoryal ng bansa. Pero, pagkaraan ng 4 na taon, muling nagrali ang mga mamamayang Iraqi bilang protesta sa pananakop ng tropang Amerikano sa halip ng paggunita sa pagbagsak ng rehimen ni Saddam. Bakit ba ganito katindi ang protesta ng mga mamamayang Iraqi sa tropang Amerikano na siyang tumulong noong araw sa kanila para ibagsak si Saddam?

Una, ang matagal na pananatili ng tropang Amerikano ay nagsisilbing tunay na dahilan ng walang-tigil na pagganap ng karahasan sa loob ng Iraq. Noong taong 2003, sa pangangatwirang may itinatagong mga malawakang pamuksang sandata sa Iraq at nakikipagsabuwatan ito sa Al-Qaida, naglunsad ang Estados Unidos ng digmaan laban sa Iraq. Pero, sa loob ng apat na taong nakalipas, walang anumang natuklasang naturang mga sandata sa loob ng Iraq ang panig Amerikano at wala pa rin itong natamong patunay na nakikipagsabuwatan ang Iraq sa teroristikong organisasyon at mas masama, hindi pa rin nito nakokontrol ang situwasyon ng Iraq. Sinabi kahapon ni Nassar al-Rubaie, puno ng Paksyong Muqtada al-Sadr ng Parliamentong Iraqi, na nitong apat na taong nakalipas sapul nang sumakop sa Iraq ang tropang Amerikano, walang natamong progreso ang bansa kundi ang pagkamatay at pagkasugat ng daan-daang libong mamamayang Iraqi. Aniya pa, ang naturang demonstrasyon ay nagpapakita ng hangarin ng mga mamamayang Iraqi na muling makakamtan ang kalayaan at dignidad.

Ikalawa, hindi kaya ng Estados Unidos na tumulong sa Iraq na bumuo ng demokratiko at episyenteng pamahalaan at sa halip, anarkiko ngayon ang Iraq. Pinlano ng Amerika na pagkaraang ibagsak ang rehimen ni Saddam, gawing huwarang demokratiko ang Iraq sa Gitnang Silangan. Pero, ipinakikita ng mga katotohanan nitong apat na taong nakalipas na hindi pa rin tumatahak sa landas na itinakda ng Estados Unidos ang Iraq at sa mula't mula pa, hindi na rin nakikiisa sa pamahalaang koalisyon ang mga Shiite, Sunni at Kurds, tatlong pangunahing paksyong Iraqi.

Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Hoshyar Zebari, Ministrong Panlabas ng Iraq, na sapul nang ibagsak si Saddam, nasasadlak na ang bansa sa security vacuum. Sinabi naman ng isang manbabatas na Iraqi na si Ginang Tisir al-Mashhadani na sinaksi rin ng anibersaryo ng pagbagsak ng rehimen ni Saddam kung papaanong binubuwag ng tropang Amerikano ang pambansang sistema ng Iraq. Ipinahayag naman ni Salah al-Obaydi, mataas na opisyal ng Muqtada al-Sadr, ang kanyang pag-asang sa ika-5 aniversaryo ng pagbagsak ni Saddam, lubusang makapagtatamo ang Iraq ng soberanya at kasarinlan.