Mula sa ika-12 ng Abril
Sinabi ni Alyona na ang pangunahing dahilan nito ay pagkakaiba ng hugis ng katawan. "Sa pangangatawan, magkaiba ang mga Tsino at Europeo. Kaya, ayaw ng mga kabataang Tsino ang masyadong pagsasanay, higit na gusto nila, halimbawa, ang Pilate, at marami na ang lumalahok ngayon sa yoga. Pero, gusting kong sabihin na nitong nakaraang siyam na taon, napansin kong parami nang paraming Tsino ang dumadalo sa mga intensive class."
Ipinakikita ng mga estadistika na ang mga residente ng Beijing ay gumugugol ng mga 100 dolyar kada taon para sa mga aktibidad ng pagsasanay pisikal, at usong uso na ngayon ang malusog na estilo ng pamumuhay. Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagnanais ang mga kabataan na gumugol ng malaking halaga sa mga fitness center, kaysa magpunta sa mga di-magugol na parke kasama ng kanilang mga magulang ay ang prestehiyong maibibigay ng pagiging kasapi ng isang kilalang gym.
Maraming kompanya ang humihimok sa kanilang mga kawani na sumali sa gayong mga club, na ang ilan pa nga'y ang nananagot sa pambayad ng kanilang membership. Sinabi ng isang mahilig sa fitness, "an gaming kompanya ang nagbabayad sa aming membership, pero kamakailan ay itinigil na nila ang gayong patakaran, pero gusting gusto ko ang gym, kaya dumadalo pa rin ako, at ako ang sagot sa bayad. Itinuturing ko itong isang mabuting pamumuhunan para sa aming hinaharap.
May mahigit 1,000 sport and entertainment center sa Beijing lang, pero may 100 miyon ay mga gymnasium. Sa ibang lunsod ng Tsina, mas maliit ang bilang na ito. Sa E.U., may isang fitness center sa bawat 10,000 katao, at sa Tsina, ay may isa sa bawat isang milyong katao. Sinabi ng mga eksperto na nangangahulugan ito na mass malaki ang oportunidad para sa mga propesiyonal na manager ng mga fitness center. At huwag kalilimutan na papalapit na rin ang Olympics!
|