Si Huang Cherngde ay isang press-photographer ng Guiyang Daily ng lalawigang Guizhou ng Tsina. Nitong 10 taong nakalipas, maraming beses na naglakbay-suri at nagkober siya sa rehiyong kanluran ng Tsina. Inirekord niya ang maraming aksyon ng pagsisira sa kapaligiran sa pamamagitan ng kaniyang kamera at pen para manawagan sa mga mamamayang pahalagahan ang pangangalga sa kapaligiran. Simulan niya kamakailan ang isa pang paglalakabay para sa pangangalaga sa kapaligiran sa rehiyong kanluran.
Si 53 taong gulang na Huang Chengde ay isang beteranong kameraman at nagtatrabaho nang 25 taon sa Guiyang Daily. Noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, nakatawag ng kaniyang pansin ang ilang isyu ng pagkasira sa kapaligiran sa proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan sa rehiyong kanluran ng Tsina. Para asintadong malaman ang mga may kinalamang kalagayan, determinado siyang maglakbay-suri at magkober sa rehiyong kanluran para makatawag ng mas maraming pansin ng buong lipunan. Kaugnay nito, sinabi niyang:
"Ang isyu ng kapaligirang ekolohikal ay susi para sa pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong kanluran. Dapat may sense of responsibility ang aming mga mamamahayag. Simple ang aming salawikaan: nagpapakahirap para sa aming lupang-tinubuan – daigdig. Umaasa akong makapagbibigay ng kaunting ambag sa pangangalaga ng kapaligiran sa aspekto ng propaganda at pamamahayag."
Noong 1997, Sinimualan ni Huang ang kaniyang kauna-unahang biyahe sa rehiyong kanluran na may dalang kaniyang kamera at ilang kasuutan lamang at sakay ng isang motorbike. Ang populasyon sa rehiyong kanluran ay sakop sa sangkatalo sa populasyon ng buong bansa at ang saklaw nito ay katumbas nang 70% sa buong Tsina. Dahil sa mga likas at pangkasaysayang dahilan, mas atrasado ang kabuhayan sa rehiyong ito kumpara sa rehiyong silangan ng Tsina.
Para kay Huang, ay hindi kaniyang mapagod na paglalakad, higit na nakakasakit sa kaniyang puso ay tanawing sira-sirang kapaligirang ekolohikal na nakikita niya sa kahabaan ng kaniyang dinadalaw na lugar. Inirekord niya ang lahat ng nakikita at naririnig niya. Sinabi niyang dahil sa masamang kondisyon ng pampamumuhay, walang anumang kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran ang maraming tao sa rehiyong kanluran. Sinabi niyang:
"Hindi alam ng maraming tao ano ang ibig-sabihin ng pangangalaga sa kapligiran. Kung iniulat ko ang grabeng polusyon sa ilang lugar, palagiang nagreklamo ang mga lider at pati ang mga mamamayan sa lokalidad. Sinabi nilang napakahirap ng pagpapaunlad ng kabuhayan, bakit sila ang pinupuna? Dahil kulang sila sa paraan para ikabubuhay. Kinakalbo nila ang mga kakahuyan. Dahil kailangan nila ang lupa para taniman ng iba't ibang pananim. Kaya, hindi nila kinakatigan ang aking gawain, dahil hindi naiintindihan nila ang kalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Hanggang sa kasalukuyan, 6 na beses na naglakbay-suri si Huang sa rehiyong kanluran at nag-iwan siya ng kaniyang yapak sa lalawigang Shaan'xi, Gansu, rehiyong awtonomo ng Xinjiang at iba pang 9 na lalawigan na umabot sa mahigit 200 libong kilometro ang kaniyang kabuuang biyahe.
Sa kabutihang palad, hindi naaaksya ang pagpapakahirap ni Huang. Nakatawag ang kaniyang ulat ng pansin ng mga lider at dalubhasa. Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalakas ang kamalayan sa pangangalga sa kapaligiran ng mga mamamayan sa rehiyong kanluran, walang humpay na lumalaki din ang laang-gugulin ng pamahalaan sa pangangalga sa kapaligiran. Kumpara sa noong 10 taon na ang nakaraan, bumuti nang malaki ang kalagayan ng pangangalga sa kapaligiran ng rehiyong kanluran. Sinabi ni Huang na:
"Sa kasalukuyan, bumuti nang malaki ang kapaligirang ekolohikal, walang naganap na anumang malawakang pagputol sa punong-kahoy sa rehiyong ito. Nagsagawa ang aming pamahalaan ng isang serye ng mabisang hakbangin at unti-unting bumabalik sa natural na kalagayan ang kapaligirang ekolohikal sa maraming purok sa dakong kanluran ng bansa."
|