• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-16 20:31:59    
Mga tagapakinig: 2008 Beijing Olympics, Olimpiks ng Bayan

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.

Sa pag-uusap naming sa Olympic hotline, kasabay ng pagpapakita ng optimism sa 2008 Beijing Olympics, ipinahayag ni Steve Salonga ang pag-asang hindi gaanong magmamahal ang hotel accommodations at entrance tickets sa panahon ng Olympiad. Ang kaniyang mga tinuran ay sinigundahan naman ng dalawang iba pang tagapakinig.

Si Steve ay nagtatrabaho sa Gulf Oilfield Company Ltd., sa Dubai, at isa siya sa mga Pinoy-abroad na naghihintay lamang ng magandang excuse at opportunity para magpunta sa China. Sabi niya ang pagdaraos ng Beijing Olympics na yata ang hinihintay niyang pagkakataon. Kaya lang, baka aniya itaas nang sagaran o sobra-sobra ng mga hotel ang kanilang fees at baka mahalan din ang entrance tickets sa game venues. Kung magkakagayon aniya, magiging mabigat sa kanilang lukbutan. Huwag naman sana, sabi niya...

Sinigundahan naman ni Pilar Advincula, isa ring tagapakinig, ang sinabi ni Steve. Para sa masa aniya ang Olympics at hindi para sa mga kilalang atleta at mga elitista...

Isa rin si Steve sa mga nakapanayam namin na nagpapahayag ng lubos na optimismo sa kalalabasan ng Olympics. Malaki ang sampalataya niya sa kakayahan ng Beijing Olympic Committee at ng China sa pagdaraos ng ganitong en grandeng palaro...

Halos kapareho ng kay Steve ang palagay ni La Trixia Landicho. Sinabi ng huli na naging matagumpay ang lahat ng itinaguyod na palaro ng China kaya walang dahilan para hindi magtagumpay ang Beijing Olympics...

Maraming salamat sa inyo, Steve, Pilar at La Trixia. Si La Trixia ay nasa Indonesia ngayon at nagtuturo sa Makassar International School samantalang si Pilar naman ay nasa Beijing at nagtatanghal sa Swiss Hotel kasama ng kaniyang grupo.

Kung mayroon kayong katanungan hinggil sa 2008 Beijing Olympics o sa Olympic games in general, mag-e-mail kayo sa: filipino_section@ yahoo.com o tumawag sa (0063) 9212572397.

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Irma Smith ng Bajac-Bajac, Olongapo City.

Sabi ng liham:

Dear Kuya Ramon,

Kumusta ka na?

Noong Holy Week hindi ako nakapakinig kasi naging busy ako sa aming parokya. Sana nagkaroon ka ng bakasyon noong Holy Week at nakapag-ukol ng maraming oras para sa spiritual retreat at reflection.

Enjoy ako ngayon sa pakikinig sa inyong mga programa kasi mas clear ang signal at mas powerful over interfering stations. Hindi rin masyadong nagwo-wobble ang sound.

Nakakatuwang malaman na maraming naka-schedule na proyekto ang China sa Pilipinas at ang mga proyektong ito ay makakapagbigay ng trabaho sa maraming Pilipino.

Nakikipagtulungan din ang sport sector ng China sa mga organisasyong pang-isports ng Pilipinas para makapagkaloob ng kinakailangang training sa mga Pinoy athletes natin bilang paghahanda sa Beijing Olympics. Umasa tayo ng mga ginto sa ilang events. Siguro makakuha lang tayo ng limang ginto pista na ang buong bayang Pilipino.

Maraming enthusiastic sa Beijing Olympics kasi idaraos ito sa China at ang China ay malakas na malakas ang dating sa international community.

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin pero hindi maitatago ang katotohanan na ang China ay successful hindi lamang sa economy kundi pati sa iba ring areas.

Madali palang makuha ang inyong programa pag nag-log-in sa internet explorer.

Thank you, kuya, at hanggang dito na lang ang sulat na ito.

Irma Smith
Bajac-Bajac,
Olongapo City
Philippines

Thank you so much, Irma. Ganiyan nga ang gawin mo. Pag hindi maganda ang signal sa SW, mag-log-in ka. Thank you uli. Wala na tayong oras.

Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.