• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-17 16:09:42    
Colorful vegetable balls

CRI

Mga sangkap

300 gramo ng patatas
100 gramo ng karot
2 puti ng itlog
50 gramo ng labong
75 gramo ng green beans
50 gramo ng kabute
50 gramo ng sariwang lily
250 gramo ng salad oil
1.5 gramo ng asin
10 gramo ng shaoxing wine
30 gramo ng mixture of cornstarch and water
1 gramo ng vetsin
0.5 gramo ng pamintang durog
2 gramo ng luya
10 butil ng Chinese prickly ash

Paraan ng pagluluto

Hugasan at pausukan ang mga patatas. Talupan pagkaraang lumamig. Lamasin at ilagay sa plato.

Hiwa-hiwain ang karot, green beans, labong at sariwang lily. Tadtarin ang luya. Durugin ang Chinese prickly ash at lagyan ng karampot na asin.

Ilagay sa kumukulong tubig ang mga piraso ng karot, green beans, labong at sariwang lily. Pakuluin muli at hanguin. Ilagay ang mga piraso sa ibabaw ng nilamas na patatas, tapos lagyan ng puti ng itlog, asin, vetsin, luya at pamintang durog at buhusan ng mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti at gawing hugis bola na tumitimbang ng 20 gramo ang bawat isa.

Ibuhos sa kawa ang salad oil at initin sa temperaturang 180 hanggang 200 degree centigrade. Igisa ang mga bola hanggang maging kulay brown. Isalin sa plato. Ilagay din sa plato ang mixture ng dinurog na Chinese prickly ash at asin. Isawsaw ang bola sa mixture na ito bago isubo.

Katangian: may magandang kulay ang mga bola.

Lasa: malutong sa labas at malambot sa loob. Maalat at masarap.