• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-19 15:27:10    
Prehistorikong homestead sa Zhoukoudian

CRI

Ang mga pinakamaagang residente ng Beijing ay naninirahan sa mga kuwebang bundok sa Zhoukou dian sa timong kanluran ng lunsod ng Beijing, may 700,000 hanggang 230,000 taon na ang nakararaan. Walang nakaaalam ng kanilang pinagmulan at kung saan sila nagsilipat. Pero ang kanilang pananatili dito noon ay pinatunayan ng mga cultural at anthropological artifacts na nahukay sa loob ng mg akuweba sa Zhoukoudian.

Matatagpuan ang Zhoukoudian sa Distritong Fangshan, 50 kilometro mula Beijing sa sagpungan ng kapatagan at mabundokna lugar. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, ang mga naninirahan dito ay madalas na nakahuhukay ng mga animal fossil na tinawag nilang "mga buto ng dragon", habang nagtitibay sila ng mga batong pagkukunan ng apog. Sapagkat itong batog ito ng dragon ay isang mahalagang sangkap ng tradisyonal na medisinang Tsino, ipinagbibili iyon sa mga tindahan ng mga halamang-gamot.

Sa bandang huli, ang "buto ng dragon" ay kinilala na bilang isang mahalagang antropolohikal na ebidensiya. Pinasimulan noong 1920's ang seryosohang ekspedisyong pansiyensiya ng Dragon Bone Hill ng Zhoukoudian.

Noong 1921, pinasimulan ng kilalang heyologo at arkeolohistang Swedish na si John Gunnar Anderson (1894-1960) at ng Austrian palaeontologist na si Otto Zdansky (1878-1960) ang kauna-unahang paghuhukay ng labi ng mga tao sa Dragon Bon Hill. Kabilang sa iba't ibang animal fossils na natagpuan nila ay ang dalawang ngipin ng tao. "May kutob ako" ani Anderson kay Zdansky", na "nakahimlay sa paligid natin ang mga ninuno ng sangkatauhan".

Noong 1927, isang magkasanib na archaeological team ng Tsina at mula sa ibayong dagat sa tangkilik ng Rockefeller Foundation ang nagtungo sa Zhoukoudian upang magsagawa ng sistematikong paghuhukay. Noong ika-2 ng disyembre, 1929, ay isang anthropological milestone. Iyon ang araw na natuklasan ng Chinese palaeoanthropologist na si Pei Wenzhong ang may 500,000 libong taong buong ng tao.

Ang tuklas ni Pei ay ipinagbunyi bilang "pinakamakatuturan at pinakanakaantig" na palaeoanthropological research. Ito ay lubos na nagpatnubay kung kalian isinilang ang sangkatauhan. Ang specimen, na opisyal na pinangalanang Sinanthropus pekinensis, ay kilalalang kilala sa tawag na "Peking Man--isang epithet" na nilikha ng Heylogong Amerikanong si Amadeas William Grabau (1870-1946).

SUNDAN sa ika-26 ng Abril