• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-20 16:15:40    
Zhang Sanfeng, dakilang martial artist ng Tai Chi

CRI

Ang Taoismo ay isang kompletong sistema ng mga imortal at mga bathala. Nahahati sila sa tatlong kategorya: mga diyos ng kalikasan na gaya ng araw, buwan, hangin, ulan at lupa; mga sinasambang taong nakagawa ng dakilang merito, na gaya ng role model ng katapatan, pagmamahal sa magulang, kagandahang loob at katarungan at mga pang-araw na functional god na gaya ng diyos ng pinto, kusina at apoy.

Bawat isa'y may kanya-kanyang katangian, subalit ang lahat ay kumakatawan sa katurungan at kagandahang loob at may iisang layunin ng pagtulong sa mga nangangailagan at pagpaparusa sa mga gumagawa ng kasamaan.

Kakaiba sa malaking pangkat ng mga tao na pinaniniwalaang naninirahan sa Wudang Mountain ay ang martial Taoist na si Zhang Sanfeng. Nakalalakad siya nang 500 kilometro araw araw, mabilis sa loob ng isang buwan nang walang tigil at naglalaho at muling lumilitaw sa isang saglit, ayon sa Ang Kasaysayan ng Ming Dynasty.

Hindi nagawa ni Zhu Yuanzhang, tagapagtatag na emperador ng Ming Dynasty na maglingkod sa kanya sa Zhang Sanfeng, subalit mahirap mapigil ang monk. Gumawa si Emperador Zhu Di ng isang di pangkaraniwang mapagpakumbaba at mapitagang sulat kay Zhang Sanfeng, na humihiling na magtagpo sila, pero tumanggi si Zhang. Walang taong nagpapahalaga sa kanyang buhay ang nangangahas na pakitunguhan nang gayong kagaspang ang emperador, subalit dahil sa itinuturing ni Zhu Di na isang bathala si Zhang Sanfeng, hindi niya ito hinamak.

Bagkus, para maipahayag ang kanyang katapatan, iniutos ng emperador ang pagtatayo ng Yushengong o palasyo ng pagtatagpo ng mga tunay na tao sa Wudang Mountain at ng paglalagay ng estatuwa ni Zhang Sanfeng sa pinakamalaking bulwagan nito. Ang walang katulad na imperial na parangal na ito ay lumikha ng maraming hula hinggil sa motibo ng emperador sa gayong kilos ng paggalang. May nagpapalagay na dahil si Zhang Sanfeng ay talagang isang buhay na diyos na hango sa sining ng necromancy at gumagawa ng gamot na pampahaba ng buhay.

May nagsasapantaha na alam ni Zhang ang kinaroroonan ng nawawalang si Emperador Jianwen, na ang muling pagsulpot nito ay siyang labis na kinatatakutan ng emperador. Gayonman, sapul noong kapanahunan ni Zhu Di, itinuturing na ni Zhang Sanfeng na isang dakilang martial artist at tagapagtatag ng Wudang Kungfu at hindi isang immortal.

SUNDAN sa ika-27 ng Abril