|
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo?
Kumusta na kayo Cooking Show fans? Holiday na naman sa May 1st. Maraming nagbabalak na magpiknik para maiwasan ang init at alinsangan ng Maynila.
Kung sawa na kayo sa mga pagkaing paulit-ulit ninyong ibinabaon tuwing kayo ay nag-i-iskursiyon, maraming alternative dishes na mairerekomenda si Aling Nene ng Nene's Carinderia at ang isa sa mga ito ay ibabahagi niya sa ating palatuntunan ngayong gabi.
Ihanda ninyo ang inyong mga notebook at ballpen. Narito si Aling Nene de la Cruz...
Salt-baked Chicken. Tandaan ninyo. Chinese delicacy iyan at gaya ng sinabi ni Aling Nene, iyan ay madaling ihanda dahil simple lang ang paraan ng pagluluto at kaunti lang ang rekado.
Kung sawa na kayo sa spaghetti, nilagang itlog, pork and beans, sandwiches, etc., subukin ninyo itong salt-baked chicken. Samahan na lang ninyo ng kanin na binalot ng dahon ng saging. Wow, ang sarap! Ginutom tuloy ako.
Ngayon alamin natin kung ano ang mga kakailanganin sa paghahanda ng Salt-baked Chicken.
Natatandaan ba ninyo lahat ang mga rekado? Ulitin natin:
1 sariwang manok na tumitimbang ng 1.2 kilos 2 kutsaritang ginger sauce 2 kutsaritang Chinese rice wine 2 kutsaritang peanut oil 3 spring onions (iyong chopped) 4 na malaking piraso ng greaseproof paper at 3 kilo ng magaspang na asin
Ngayon naritong muli si Aling Nene para sa paraan ng pagluluto...
Hayan, meron na kayong pambaon sa inyong piknik sa May 1st at iyan ay sa kagandahang-loob ni Aling Nene de la Cruz ng Nene's Carinderia. Maraming salamat po sa kanila.
Oh, uulitin ko ang paraan ng pagluluto, ha?
Pahiran ng ginger sauce at rice wine ang loob ng tiyan ng manok, tapos pahiran ng langis ang balat.
Palamanan ang tiyan ng manok ng spring onion tapos balutin ang katawan nito ng dalawang layers ng greaseproof papers. Siguruhin na greaseproof paper ang gagamitin at hindi ordinaryong wax paper.
Mag-init ng asin sa kawali sa loob ng 10 minuto. Alisin ang kalahati ng asin. Ibaon nang padapa ang manok sa natitirang asin. Takpan ang kawali at iluto ang manok sa mahinang apoy sa loob ng isang oras. Kung hindi naman, lutuin ang manok na nakababad sa asin sa may-katamtamang-init na oven sa loob ng isang oras.
Alisin ang manok sa asin tapos tanggalin ang wrapping paper. Hiwa-hiwain ang manok bago ilagay sa serving dish at isilbing kasabay ang Chinese peanut-oil sauce.
Mayroon pa tayong sobrang oras. Bigyang-daan natin ang sulat ni Elfa Abad ng Cavite. Sabi niya:
Dear Kuya Ramon,
Gusto kong iparating sa inyong lahat ang aking malaking appreciation sa programa ninyong Cooking Show na ikaw ang laging host. Ikaw pa lang ang narinig kong lalaking may ganitong program. Pero siguro talagang iba kang magdala. Maraming natututuhang lutong Chinese ang mga tagapakinig ninyo at meron na ring naging expert sa Chinese recipes. Sana mapabantog pa ninyo ang mga programa ninyo dahil ipinagmamalaki naming ito. Later on, marami na rin ang makapaghahanapbuhay dahil sa pag-aaral ng Chinese foods. Isa pa, pinaglalapit ng programang ito ang mga puso ng mga Pilipino at Chinese. Salamat sa Cooking Show.
Elfa Abad Barrio Talaba Bacoor, Cavite
Salamat, Elfa. Sana ipagpatuloy mo ang pagsubaybay mo hindi lang sa Cooking Show kundi pati sa iba pa naming mga programa. Mabuhay ka, Elfa.
Sabi naman ng text message ni Willian ng Mindanao Avenue, Q.C.: "Mabuhay ang Cooking Show ng CRI. Marami nang alam na lutong Chinese ang misis ko. Ganang-gana ako sa pagkain."
Good news, William. Thank you.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|