• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-24 22:05:42    
Deep-fried crispy pork cakes

CRI

Mga sangkap

400 gramo ng karne ng baboy, tinadtad
150 gramo ng harina
75 gramo ng tubig
5 gramo ng baking powder
1 gramo ng vetsin
2 gramo ng asin
5 gramo ng pamintang durog
200 gramo ng mantika
50 gramo ng spicy soy sauce
5 gramo ng scallion na hiniwa-hiwa nang pino
5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa
10 gramo ng shaoxing wine

Paraan ng pagluluto

Ilagay ang 1 gramo ng asin, vetsin, scallion at luya at ibuhos ang shaoxing wine sa tinadtad na karne. Tapos haluing mabuti hanggang elastiko. Lagyan ng pamintang durog at haluing mabuti. Paghati-hatiin ang mixture sa apat na bahagi na hugis-bibingka at pausukan hanggang maluto.

Gawing pasta ang tubig, harina, baking powder at asin.

Ibabad sa pasta ang bibingka ng karne para pantay-pantay na pahiran ng pasta.

Initin ang mantika sa temperaturang 137 hanggang 170 degree centigrade at bawasan ang apoy para mapanatili ang temperatura ng mantika. Igisa nang isa-isa ang bibingka ng karne hanggang maging kulay brown. Hanguin at patuluin. Hiwa-hiwain ang mga bibingka ng karne at isalin sa plato. Isilbi kasama ng spicy soy sauce.

Katangian: malutong at malambot.

Lasa: maalat at masarap.