Sa Pingxiang Friendship Pass sa Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Idinaos dito kahapon ng umaga ng "China-ASEAN Cooperation Tour" --malaking magkasanib na pagpapanayam ng radio at TV Station ang maringal na seremonya ng pagsisimula. Pinasimulan ng reporter group na binuo ng mga mamamahayag ng apat na radio at TV media ang kanilang grupo ng pakikipagpanayam sa 10 bansang ASEAN. Tatagal ng 50 araw ang aktibidad na ito at ang kanilang biyahe ay aabot sa 20 libong kilometro.
Kahapon ng umaga, nag-tipon sa Friendship Pass ang ilang daang tao na galing sa China Radio International (CRI), may kinalamang departamento ng rehiyong autonomo ng lahing Zhuang at mga mamamayang lokal, at idinaos dito ang maringal na seremonya ng pagsisimula. Sa kaniyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Wang Dongmei, Pangalawang Presidente ng CRI na :
"Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at ASEAN, at pumasok na sa bagong yugto ang kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at lumalawak nang lumalawak ang kanilang pagpapalitang panlipunan at pangkultura. Sa kalagayang ito, ang pago-organisa ng isang aktibidad na may temang kooperatibong paglalakbay ay may pangmalayuang katuturan para mapalakas ang paguunawaan, pagpapalitan at pagkakaibigan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN. Makakalikha ang aktibidad na ito ng mainam na atmospera ng pandaigdigang opinyong publiko para sa pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, pagpapasulong ng kapayapaan, kasaganaan at katatagang panrehiyon."
Nang mabanggit ang naturang aktibidad na magkakasanib na itinaguyod ng media ng estado ng Tsina, media na dayuhan at lokal, ipinahayag ni Wang Gengnian, presidente ng CRI na :
"Sa aming palagay, makabuluhan ang aktibidad na ito, kaya itinaguyod at nilahukan ito ng CRI. Una, naaangkop ito sa pangangailangan ng ibayo pang pagpapa-unlad ng reporma at pagbubukas sa labas ng aming bansa at sa pangangailangan ng pagpapalakas ng pagtutulungan ng aming bansa at iba't ibang bansang ASEAN. Ikalawa, naaangkop din ito sa pangangailangan ng reporma at pagbubukas sa labas ng rehiyong autonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi. Ikatlo, pumasok na ang media sa siglo ng pagtutulungan."
Sinabi ni Nguyen Bien Cuong, Consul General ng Biyetnam sa Nanning na :
"Sa kasalukuyan, pumasok na sa yugto ng mabilis na pag-unlad ang pagtutulungan ng Tsina at 10 bansang ASEAN. Sa panahong ito, malaki ang katuturan ng pagdaraos ng aktibidad na ito. Malawak ang coverage ng radio at television at ang kanilang target ay mga karaniwang mamamayan. Sa palagay ko, ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN ay hindi umiiral lamang sa aspekto ng pulitika at kabuhayan, at ipinakikita pa ito sa pagkauunawaan ng mga mamamayan ng mga bansa. Kaya, sa pamamagitan ng aktibidad na ito, hindi lamang ipinakikilala ang Guangxi at Tsina sa ASEAN, kundi ipinakikilala ang ASEAN sa Tsina."
Daraan ang report group ng "China-ASEAN Cooperation Tour" sa 35 lunsod ng 10 bansang ASEAN na kinabibilangan ng Biyetnam, Cambodia, Laos, Thailand, Myanmar, Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei at Pilipinas, at malawak na iinterbiyuhin nila ang mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ng ASEAN at ibabalita ang kalagayang panlipunan at kaugaliang lokal ng iba't ibang bansang ASEAN.
|