• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-26 14:00:12    
Pang-araw-araw na pamumuhay ng Peking Man

CRI

Mula sa ika-19 ng Abril

Ang komposisyong ito, na sinulat ng mag-aaral ng mataas na paaralan, ay naglalarawan ng pamumuhay ng Peking Man.

Pagsikat ng araw, ang pithecanthropi na kilala sa tawag na Peking Man ay bumabangon upang pasimulan ang panibagong araw. Napapagod sila dahil sa init ng panahon. Bagamat malamig sa loob ng kuweba, hindi naman sila kompotable sapagkat mahalumigmig dito.

Ang init sa tag-init ay hindi nakaapekto sa kasiglahan ng mga bata. Akyat baba sila sa mga puno, namimitas ng mga prutas at nanghuhuli ng mga insekto, sila ay naliligo sa pawis.

Ang ilan sa kanila ay lumalabas ng kuweba upang magaso. May dala-dala silang mg amagagaspang na sandatang bato at pamalong kahoy. Ang pangangaso ang siyang pangunahing paraan upang mabuhay. Kung minsan ay masaya silang umuuwi na may dala dalang nahuling hayop, kung minsan naman, wala silang kahuli-huli. At kung minsan nga pa'y sila ang sinisila ng mga hayop. Hindi madali ang buhay ng nakababatang kababaihan. Nagtutungo sila sa kagubatan upang mamitas ng ligaw na prutas at halaman at namumulot ng mga bato at sanga upang gawing kagamitan. Nanganganib din silang masila ng mababangis na hayop. Ang mga nakatatanda ay walang gayong panganib. Nagtatrabaho sila sa loob at paligid ng kuweba at gumagawa ng mga kagamitan mula sa mga bato at sanga ng kanoy.

Ang Peking Man ay naninirahan sa mga liblib na kagubatan at mayayabong na damuhan ng Zhoukoudian, na pinaninirahanan ng mga hayop. Sapagkat ang kanilang pirmitibong Paleolithic tool at lakas ng katawan ay hindi sapat upang patuloy silang mabuhay, sama-sama silang namumuhay at nagtatrabaho, na bawat grupo ay binubuo ng ilampu katao.

Kung tanghali, umuuwi ng kanilang tirahan ang mga mamamyan at isinasabit nila ang kanilang mga nahuli sa ibabaw ng apoy upang maihaw. Natuto na silang magsindi ng ilaw at gawin itong pailaw. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto ng karne, pagtataboy ng mga hayop, pagpapailaw at pagpapainit ng katawan. Ito ang kanilang pinakamalaking tagumpay. Pagkatapos kumain, ipinagpapatuloy nila ang kanilang pangangaso at pagtitipon-tipon. Ang mga malaking bata ay sumasama sa kanilang magulang upang maturo ng kakayahang maligtas ang kanilang buhay at ang maliliit na bata ay naiiwang naglalaro.

Kapag gumabi na, nagpapahinga sila sa madilim at maalimuog na kuweba kung saang nagsisiksikan sila sa gabi. Bagamat namumuhay sila sa isang masamang kapaligiran, sinasalubong naman nila ang bawat bagong araw nang lipos nang pag-asa sa mabuting hinaharap.