Ito ay pinakanakatutuwang panahon ng finals ng kauna-unahang pakontest ng Mr. World sa magandang tropikal na lunsod na panturista ng Sanya. Bumalani ang gabing ito ng pansin ng iba't ibang lugar ng buong daigdig. At ang gabing ito ay magiging di-makakalimutang alaala ng maraming tao sa kanilang buong buhay. Pero, ang gayong nakatutuwang gabi ay ilang beses na naranasan ng Sanya.
Mula noong taong 2003, idinaos na dito ang tuluy-tuloy na tatlong pakontest ng Miss World: ika-53, ika-54 at ika-55 competition. Noong 2006, ginanap dito ang Hercules Finals of World at ang kauna-unhang Mr. World pakontest. Idinaos pa sa Sanya ang maraming paligsahan at aktibidad sa pinakamataas na antas sa Tsina.
Nabighani ng kariktan ng Sanya ang mga pinakamaganda at pinakapanghalinang tao sa buong daigdig at utang sa kanilang malimit na pagbisita, kinikilala ng parami nang paraming mamamayan sa buong daigdig ang dalampasigan at marangyang hotel ng Sanya at ang katangi-tanging kultura ng Tsina.
Sinabi ng isang dayuhan:
"Maganda ang Sanya at iniibig ko ang Sanya. Ang dalampasigan, sikat ng araw ng Sanya. Sanya ay isang magandang lunsod, gustong-gusto kong mag-istay dito."
Masasabi, Sanya ay naging isang visiting card ng Tsina sa daigdig. Pero, sa kasalukuyan, may sarili nitong visiting card ito. Ang card na kinasusulatan ng "Forever tropical paradise" sa wikang English at "Mei Li Sanya, Lang Man Tian Ya" sa wikang Tsino na nangunguhulugang "magandang Sanya, romantikong dulong ng mundo" sa wikang Pilipino.
"Tian Ya" ay taguri ng Sanya na nangunguhulugang "dulong ng daigdig". Sanya ay nasa katimugan ng lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina at nakaharap sa South China Sea. Ang Sanya at ang Pilipinas at ibang bansa ng ASEAN ay pinaghihiwalay lamang ng isang kapirasong dagat. Nakikisalamuha ang tradisyonal na kulturang Tsino sa katatanging katutubong kulturang pandagat ng Sanya at dahil dito, isinilang ang maraming alamat dito sa Sanya. Kaya, liban sa kariktan, lipos ito ng kababalaghan at romansa.
|