• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-30 22:14:59    
Mga proaktibong patakarang pinansyal at pansalapi ng Tsina sa 2007

CRI

Mula sa ika-16 ng Abril

Kasabay nito, sa kasalukuyang taon, daragdagan pa ng Pamahalaang Tsino ang laang-gugulin sa social security. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Wei, dalubhasa sa kabuhayan ng Peking University, na:

"Ang layunin ng pagsasagawa ng Pambansang Pamahalaan ng naturang patakaran ay para makinabang din sa pag-unlad ng kabuhayan ang mga mamamayang maliit ang kita na tulad din naman ng malalaki ang gana. Gaya ng alam natin, kasabay ng paglaki ng kabuhayan, tumataas din ang kita ng mga mayamang mamamayan, pero, nananatili pa ring mababa ang proporsyon ng kanilang konsumo sa kabuuang kita. Kung magkakagayon, hindi maisusulong ang kabuhayan sa pamamagitan ng konsumo."

Ang kawalang-balanse ng international payment na dulot ng labis na malaking trade surplus ay isa pa ring problema sa kabuhayan ng Tsina. Kaugnay kung papaanong mababago ang naturang situwasyon, isinalaysay ni Zhou Xiaochuan, Pangulo ng People's Bank of China o PBOC, Bangko Sentral ng bansa, na:

"Una, dapat naming palawakin ang pangangailangang panloob, lalung lalo na paunlarin ang industriya ng serbisyo; ikalawa, dapat palakihin ang pag-aangkat; ikatlo, dapat ding hikayatin ang mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa ibayong dagat."

Lampas na sa isang trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng reserba ng salaping panlabas ng Tsina. Nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan ng Tsina, lalung lalo na ngayong nasa yugto ng mataas na paglaki ng kabuhayan ang bansa. Pero, ang naturang malaking bolyum ng salaping panlabas ay posibleng humantong din sa krisis na pinansyal. Kaugnay nito, sinabi ni Jin Renqing, Ministro ng Pananalapi, na magtatayo ang Tsina ng isang pambansang kompanya para mamuhunan ng mga salaping panlabas sa iba't ibang larangan. Sinabi pa niya na:

"Bubuo ang Tsina ng isang pambansang kompanya na pinamumunuan ng Konseho ng Estado para mahusay na mapangasiwaan ang nasabing reserba ng mga salaping panlabas. Mamumuhunan kami ng mga ito sa iba't ibang larangan para maigarantiya ang episyenteng pangangasiwa nito at tumubo rito."