• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-04 18:21:46    
China-ASEAN Cooperation Tour sa Biyetnam, matagumpay na natapos

CRI

Matagumpay na natapos kahapon ang mga aktibidad sa Biyetnam ng "China-ASEAN Cooperation Tour", isang malaking pagpapanayam ng radyo at TV station nasa pagtataguyod ng China Radio International o CRI, Kawanihan ng Guangxi sa Radyo, Pelikula at Telebisyon at Hongkong Phoenix TV.

Ang Biyetnam ay unang stop ng naturang biyahe sa sampung bansang ASEAN. Sa loob ng sampung araw sa Biyetnam, nagbisita ang grupo ng biyahe sa Hanoi, Hai Phong, Vinh, Da Nang, Nhatrang at Ho Chi Minh City para sa mga panayam.

Ang biyahe sa Biyetnam ay pinag-ukulan ng malaking pansin ng mga local media. Noong ika-25 ng nagdaang buwan, kinapanayam ng grupo si pangulong Nguyen Minh Triet ng Biyetnam at nagkober naman sa panayam na ito ang mga pangunahing mass media ng Biyetnam na kinabibilangan ng pahayagang Nhan Dan, National TV Station, Voice of Biyetnam at iba pa. Bilang opisyal ng departmentong pang-impormasyon ng Ministring Panlabas ng Biyetnam, sumama si Nguyen Phuong Lan sa grupo sa buong biyahe sa Biyetnam. Kaugnay ng naiwang impresyon sa kanya, sinabi ni Nguyen na,

"Lubos kong ikinalulugod na sumama sa grupo ng 'China-ASEAN Cooperation Tour' sa kanilang mga aktibidad sa Biyetnam. Sa loob ng sampung araw, nag-iwan ang mahigit 40 mamamahayag na Tsino na malalim na impresyon sa akin. Ibayo pang mapapasulong ng biyaheng ito ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Biyetnames at Tsino at umaasa rin ako na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, magkakaroon ang mga media ng dalawang bansa ng mas maraming pagtutulungan at pagpapalitan sa hinaharap. Taos-puso kong hinahangad na matagumpay rin ang biyaheng ito sa nalalabing 9 na bansang ASEAN."

Nag-iwan din ang biyaheng ito ng maraming impresyon kay Su Xinsheng, puno ng grupo at pangalawang puno ng Kawanihan ng Guangxi sa Radyo, Pelikula at Telebisyon. Kaugnay ng kanyang pinakamalalim na impresyon, sinabi ni Su na,

"Ang pinakamalalim na impresyon sa akin ay pagiging malapit ang Tsina at Biyetnam sa distansiya man o bilateral na relasyon. Ang Biyetnam ay isang napakagandang bansa na may masaganang yaman at natatanging kultura at tradisyon. Lumilikha ng bagong kasaysayan ang masisipag at mababait na mamamayang Biyetnames. Pagkaraan ng biyaheng ito, nagkaroon kami ng tunay na pagkakaunawa sa Biyetnam at ang Biyetnam ay mas malapit na sa amin sa damdamin."

Kaugnay ng mga ulat na inihatid sa loob ng Tsina sa biyahe sa Biyetnam, sinabi naman ni Su na,

"Sa biyaheng ito, ginawa namin ang maraming ulat, pangunahin na, hinggil sa mga isyung pangkabuhayan. Iniulat namin ang kasalukuyang kalagayan at karanasan ng pag-unlad ng Biyetnam at ang malawak na prospek nila ng Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan. Kasabay nito, iniulat din namin ang karanasan at bunga ng reporma at pagbubukas sa labas ng Biyetnam at ang nakatagong lakas nito sa aspekto ng turismo. Tinataya ko na pagkaraang manood ng aming mga ulat, pupunta sa Biyetnam ang mas maraming mamamayang Tsino dahil sa maraming kaakit-akit na yamang panturista roon."